Tag Archives: Department fo Education

Achievement Tests:Lokohan lang yata

Nung nakaraang linggo, maagang gumising ang mga pamangkin ko. may test daw kasi sila. Sa isang public school sila nag-aaral, dito sa may Rizal. Dalawang magkasunod na test ang dumating, National at Division Achievement Tests. pag-uwi nila nung hapon maaliwalas naman ang mga mukha nila. Parang walang kaba at takot o stress sa ginawang eksam. Nung nagtipon-tipon kami sa sala pagkakain, doon na lumabas ang kwento. Ibinigay daw sa kanila ang mga sagot. Sa lahat ng subject na kasama sa eksam, idinikta daw ang sagot.

Sa pagkakaalam ko, panukat ang mga Achievement Tests sa mga kakayahan ng estudyante at sa kahusayan din ng eskwela. Dito makikita kung pasado ba sa international standards ang mga estudyante at ang proseso ng pagtuturo sa paaralan base sa magiging ranking nito.

Matanong ko lang, sino ba ang niloloko ng ganitong kopyahan at dictation ng mga sagot? Paano ang mga estudyanteng makakakuha ng perfect score na sa tunay na buhay halos puro palakol ang grado? Paano ang mga magulang na nagpapaaral sa mga public schools dahil “maayos namana ng turo at mataas ang ranking”? Paano ang sambayanan na nagpapakalunod nakikitang mataas ang kalidad ng edukasyon pero hindi pa pala papasa sa ipinangngalandakang “global competitiveness”?

Sa DepED, please lang, wag niyong lokohin ang mga sarili niyo na hindi ito nangyayari.

Advertisements

4 mga puna

Filed under kalorkihan