Monthly Archives: Abril 2009

Romeo Forbes Storywriting Contest Announces its Winners!

Canvas launched a storywriting contest last February, using this unnamed artwork as basis or jump-off point. For this contest, Fernando Gonzalez was named the grand prize winner with his entry Mga Huni sa Loob ng Kawayan. Other winners were also named.

Congratulations!

Mag-iwan ng puna

Filed under bakanteng oras

Sa magkanong halaga?

Noong Sabado, 18 Abril, nakalaya na si Andreas Notter, isa sa tatlong kasapi ng International Red Cross Committee (ICRC), mula sa kamay ng Abu Sayyaf. Ang tanong, paano nangyari ito?

Balikan natin ang mga pangyayari, Enero ng taong ito nang dakpin sila ng Abu Sayyaf. Lumabas ang mga pahayag na hindi ipapatubos ang mga bihag, kundi intrumento lamang para makahatak ng atensyon ang Abu Sayyaf at maipahayag ang kanilang mga hinaing. Nanawagan sila ng mga proyektong pangkaunlaran para sa Mindanao. Nakita natin ang kuha ng mga Abu Sayyaf kasama ang mga hostage nila. Maaliwalas ang mga mukha ni Lacaba, Notter at Vagni. Lumipas pa ang mga araw, naglabas ng pahayag ang Abu Sayyaf na maniningil na lang daw pala sila ng panigarilyo, hindi ransom ha, panigarilyo, sa halagang 5 Milyon. At HINDI 5 Milyong PISO ha, 5 Milyong DOLYAR. Pagkatapos nito’y serye ng madrama at tensyonadong mga tagpo sa pagitan ng mga pulitiko at militar.

Interesado sa kwento to, i-klik ito.

Mag-iwan ng puna

Filed under kalorkihan

Ang PNP sa panahon ng CSI

Bad boys, bad boys
watcha gonna do
watcha gonna do
when they come for you

Sa kontrobersyang kinasasangkutan ng brodkaster na si Ted Failon, muling naging sentro ng atensyon ang Philippine National Police (PNP), partikular ang Quezon City Police Department (QCPD). Marami ang nagalit sa kanilang inasta habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Trina Etong, ang maybahay ni Ted Failon. Marami ding tanong at obserbasyon ang lumitaw noong panahong ito. Dahil sa pangyayaring ito ay kinasasangkutan ng isang kilalang personalidad sa larangan ng pabatirang-madla dahil sa mga ekspose at paghihimay ng mga balita, higit na panasin ang nakuha ng kasong ito ng pagkamatay ni Trina, at gayundin, ng QCPD at PNP.

Una sa lahat, at ang umani ng pinakamalaking pagbatikos ay ang proseso ng pang-aaresto ng QCPD sa mga pinaghihinalaan. Citizen’s Arrest daw ang kanilang ginawa dahil “nandun na sila.” Citizen’s Arrest ang tawag sa pang-aaresto ng walang mandamyento mula sa korte dahil nagaganap pa o on-going ang krimen. Huli sa akto, kumbaga.

Maliban dito, kung mapapansin ng manonood, hindi binasahan ng Miranda Rights, na laging ending ng COPS sa bawat matagumpay na pag-aresto, ang inaarestong pinaghihinalaan. Ang Miranda Rights ang “You have the Right to Remain Silent…” Ang Miranda Rights ang pagkilala sa karapatan ng mga pinaghihinalaan bilang malayang mamamayan pa rin.

Hindi eksepyunal ang karahasang inabot ng pamilya Failon. Ganito ang treyning ng ibinigay sa PNP, ganito ang nakagisnan nilang kultura ng karahasan (tingnan ang blog ko tungkol dito sa adaengkantada.wordpress.com )Sa katunayan, mas malala pa rito ang inaabot ng mga inaarestong suspek na walang pera at walang malaking pangalan.

Ikalawa ang paraan ng pangangalap ng ebidensya. Sa partikular na kasong ito, nagalaw na ang pinangyarihan ng krimen (crime scene). Malinis na ang banyo na kinalugmukan ni Trina. Sumunod na eksena ang paghahakot ng QCPD sa mga gamit sa banyo para makita daw kung may mga tilamsik ng dugo. Bakit hindi na lang nila sila nag-swab dito o kumuha ng mga sample sa pamamagitan ng pagpapahid ng cotton buds sa mga bagay na malamang na natilamsikan ng dugo? O kaya, dahil malinis na ang banyo, nag-spray ng chemical X, gaya ng sa CSI, para makita ang mga labi ng dugo at ang konsentrasyon, ang pagkalat at ang direksyon ng tilamsik?

Bukod pa rito, nagsagawa rin sila ng paraffin test kay Ted Failon, at nagbabalak na isailalim sa lie detector test ang iba pang pinaghihinalaan. Ayon sa isang forensic expert, hindi tinatanggap ng korte bilang ebidensya ang mga datos na nakakalap kapwa sa paraffin at lie detector test. Kung gayon, bakit pa ito pag-aaksayahan ng panahon at pera ng bayan kung hindi rin naman makakapagbigay-linaw sa pagkamatay ni Trina at magsisilbing matibay na ebidensya kung saka-sakali?

Ang kaso ng pagpapakamatay/pagpatay kay Trina, bukod sa pagiging trahedya ng buhay, ay nagsiwalat sa kakapusan ng rekurso at pagsasanay ng PNP. Kakapusan sa rekurso para sa mahusay na pangangalap at pagtitipon ng kongkretong ebidensya para sa paglutas ng mga kaso. Kakulangan sa pagsasanay para sa makatarungan at makataong pagtrato sa mga pinaghihinalaan, mayaman man o mahirap.

Kung ganito ang nagpapatupad ng batas sa Pilipinas, may katarungan pa bang maaasahan? Sabi nga ni Patricia Evangelista sa kanyang pitak, “Kung mayroon mang papanig sa mamamatay-tao, ito ay dahil mas naniniwala sila sa kanya kaysa pulisya.” Ito ang tunay na trahedya.

1 Puna

Filed under kalorkihan

Huling Kabanata ng Pangyayari sa TCL

HIndi ko agad na-update ang nangyari sa TCL nung nakaraang linggo, wala kasing gaanong puwang para magliwaliw ang isip ko nung nakaraan.

Pero, tapos na, nagkausap na kami.

Sundan ang kwento sa bago kong bahay.

2 mga puna

Filed under kananayan

Update sa Pangyayari sa The Children’s Library

SA WAKAS! natangap ko ang sagot ng The Children’s Library – Novaliches. Dalawang linggo na yata mula nang nanyari ito at nagpadala ako ng email sa kanila. Dahil walang sagot mula sa kanila, sumulat na rin ako sa Head Office ng TCL. Mabuti naman at sumagot na sila para magkatulungan kami.

1 Puna

Filed under kalorkihan