Tag Archives: metro manila

Libreng Laba para sa mga Na-Ondoy

may nakapagsabi sa aking may ganito daw na ino-offer, libreng laba para sa mga binaha. Kalinisan Steam Laundry, Inc ang nagbukas ng ganitong napakagandang serbisyo.

Tawagan si Nancy Simon, 6350601, para sa mga detalye.

Mag-iwan ng puna

Filed under kananayan

Pink Chicken (wire)Fences

Tuwing nagbibiyahe ako, napapangiwi ako sa mga nakikita ko. Laluna na ang Metro Gwapo. May isang panahon na puro malalaking tarpaulin poster ni Bayani Fernando ang makikita sa kahabaan ng EDSA, lalo tuloy akong nasusuka sa biyahilo at polusyon. Ang aga naming mangampanya nitong taong ito. Hindi ba pwedeng kasi na ito ng electioneering dahil nagpapahaging naman na ito na balak niyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2010? Teka, paano ba ang kaso ng electioneering, makakasuhan lang ng ganito ang isang pulitiko kung mangampanya ito, matapos ang opisyal na pagpapahayag at pagsusumite ng kandidatura, bago ang takdang panahon ng kampanya? Eh paano naman ang pagpapapogi (at pagpapaganda) points ng mga pulitikong nagsabi nang tatakbo pero hindi pa ng susumite ng kandidatura? O kaya’y mga kandidato na halatang-halatang pinagnanasaan din ang pagkapangulo na pinupuno na ng mukha nila ang telebisyon, dyaryo, kalsada at kung anu-ano pa? Isang malaking joc-joc bolante yata ang electioneering.

            Pero napapalayo na ang kwento ko. ‘yun nga, hindi talaga matanggap ng sistema ko ang Metro Gwapo program ng MMDA, lalo’t lagi kong nakikita ang mga pink na rehas. Madami akong isyu dito. Una, bakit nga ba pink ang naisip na official kulay ng MMDA? At syempre lahat ng proyekto nila ay kailangang kulay pink din, diva? Ikalawa, ang sama tingnan ng rehas na ito. Parang ikinural mo ang mga tao. Walang dignidad ang ganitong mga harang.

            Oo alam ko na ang isasagot ng mga kinauukulan – makukulit kasi ang mga tao, walang disiplina, hindi mapagsabihan. Sa isang banda tama din ito. Hindi ba’t hindi naman nagkulang sa paglalagay ng mga traffic lights, noong hindi pa uso masyado ang mga overpass, para malaman kung sino ang may karapatang tumawid, ang sasakyan o mga tao. Pero mas gusto pa rin ng karamihan na makipagpatintero sa mga sasakyan at tumawid sa bahagi ng kalsada na may bakod. Sa Philcoa lang, kahit napakalaki na ng nakalagay na Walang Tawiran, Nakamamatay, at sa ilalim pa ng overpass mismo ha,  marami pa rin ang tumawid sa ilalim, lalo kung gabi na, madilim at mahirap nang makita ang paligid. Pinoy Fear Factor, Extra Challenge?

            Isang dahilan siguro dito ay ang kalikasan, kung kalikasan ngang masasabi, ang kalikasan ng mga tao na gawin ang ipinagbabawal. Masarap ang bawal, ika nga. Kaya siguro, kahit na maglagay na ng mga concrete barriers at kung anu-anong bakod, kahit halos magkakasunod na ang overpass (tingnan ang Commonwealth Avenue), kahit may mga pulis/traffic aide (tingnan sa paligid-ligid,) tatawid at tatawid pa rin ang mga tao sa lugar na “pinakamaalwan” sa kanila.

            Pero sa akin, mas pangunahing dahilan ang disiplina. Mahirap ngang disiplinahin ang mga Pilipino. Hindi dahil likas na matitigas ang ulo natin kundi dahil ganito tayo pinalaki. Suwail, bugtong at masama tayong mga anak ng bayan dahil ito ang natutunan natin mula sa Ina, Ama, at ninong at ninang ng bayan, na sino pa kundi ang pangulo, ang asawa nito at kung sinu-sinong nagpapakyut pero mangungurakot din naming mga pulitiko. Ang lahat ng ginagawa nilang kabulastugan, pagsisinungaling, at pagpapalusot ay matitingkad na halimbawa na tumitimo sa kaisipan ng mga Pilipino.

            Kaya kung ako, hindi magandang tingnan na naglalakad ang mamamayan sa likod (o loob, depende sa pagtingin mo) ng mga pink na kural na ito na parang mga hayop na binabakuran para hindi pumunta sa mga hindi dapat puntahan. Mga hayop na hindi nakakaintindi ng paliwanag at rason kaya kailangang palibutan ng pinagandang hawla. Ang bagay sa likod ng mga rehas na ito ay ang mismong mga tao pinakapasaway sa lahat. Kilala na natin kung sinu-sino sila.

Mag-iwan ng puna

Filed under kalorkihan