Monthly Archives: Hulyo 2009

“Arroyonomics”: ekonomya at sona

”Arroyonomics”: ekonomya at sona

Paano ba natin titingnan ang SONA ni GMA? Napakarami niyang datos na ibinigay bilang patunay sa mga nakamit ng kanyang administrasyon noong nakaraang taon.

Sabi mismo ni GMA sa kanyang SONA:

“In sum:

1. We have a strong economy in a strong fiscal position to withstand political shocks.

2. We built new modern infrastructure and completed unfinished ones.

3. The economy is more fair to the poor than ever before.

4. We are building a sound base for the next generation.

5. International authorities have taken notice that we are safer from environmental degradation and man-made disasters.”

Sa harap ng pandaigdigang krisis sa ekonomya, napakagandang pakinggan ng mga ito. Para bang ang Pilipinas ang tanging bansa na ipinag-adya ng kapalaran laban sa pagkalugmok ng ekonomya. Salamat sa ating mabuting Pangulo na hindi naging Pangulo para maging popular, kundi para maglingkod sa mamamayan at isulong ang kabutihan ng taumbayan.

Pero huwag tayong magpalinlang sa mga pinagsasabi niya sa entablado dahil alam at ramdam naman natin ang totoo.

Una, ang matatag na ekonomya na ipinangangalandakan niya ay isang hungkag at mapanlinlang  na ekonomya. Hungkag dahil wala naman tayong batayang mga industriya gaya ng pagawaan ng bakal (naibenta na), kemika/gamot (buti pa ang India), agrikultura (nag-aangkat pa nga tayo ng bigas) atbpang industriya na mahalaga at esensyal para makatayo sa sariling paa ang isang bansa. Mapanlinlang din ito dahil kalakhan ng mga negosyo na nagpapaikot sa ekonomya natin ay mga pag-aari ng dayuhan. Mula sa simpleng shopping mall ni Henry Sy hanggang sa malalaking kumpanya sa pagmiminas tulad ng Lepanto Corp., hindi maitatanggi na malaking bahagi ng mga ito at malaking porsyento din nito sa kabuuang ekonomya ay pag-aari ng mga dayuhan, o di kaya’y ng mga Pilipinong korporasyon na pantabing o dummy lamang ng dayuhang mga korporasyon.

Ikalawa, kaugnay pa rin ekonomya at ang ipinangangalandakann niyang mas maka-mahirap o pro-poor ang ekonomya ngayon, hindi ito totoo. Dahil sa patakaran ng gubyerno ng pribatisasyon o ang pagbebenta ng mga pampublikong/korporasyon pag-aari  ng gubyerno sa mga pribadong entidad o kumpanyan para makalikom ng pondo, ”makatipid” sa gastusin o ”mapahusay” ang serbisyo, lalong tumaas ang pangunahing bilihin at serbisyo, gaya ng tubig at kuryente. Gayundin, mula nang ipinasa ang Value Added tax (VAT) at Expanded Value Added Tax (EVAT) bilang bahagi ng paglikom ng pondo ng gubyerno para mapunan ang kulang na kulang na panggastos nito, ultimo sardinas na itinuturing na pagkain ng mahihirap, ay napakamahal na ring bilhin. Idagdag pa natin ang ”sin tax” na bagong-bagong ipinasa (2007, kung hindi ako nagkakamali) at ang nakaambang pagpapalawig dito, at ang binabalak noong buwis sa pagtetext o SMS. Masasabi nating epekto na ito ng liberalisasyon ng ekonomya mula noong pumirma ang GRP sa General Agreement on Tariffs and Trade-World Trade Organization (GATT_WTO) kung saan pumapayag itong maluwag na makapasok ang mga dayuhang negosyo o produkto sa mababa (o libre pa nga) na taripa sa gubyerno. Sa esensya ang mga tax cuts na ito ay nagpababa sa kakayahan ng gubyerno na makalikom ng sariling panggastos (at protektahan ang sariling industriya at mamamayan), ang dahilan kung bakit ang simpleng mamamayan ang kailangang pigain nito para sa kulang na pondo.

Isa pa, ang ”700,000 na katutubo at mahigit isang milyong benepisyaryo ng CARP” ay wala pa sa kalingkingan ng mga mahihirap na walang sariling lupa. Ilang milyong magsasaka ang nakikiamot pa rin sa biyaya ng lupang binubungkal nila na pag-aari ng iilang mayayamang pamilya? At kung hindi ako nagkakamali, kahit pa pasok ang CARP ang lupa, may probisyon ng kontrata nito ng pagremata sa lupa kung hindi mabayaran ang hulog sa loob ng tatlong buwan. Hindi rin naman titulo mismo ang ibinibigay dito, karapatan lang at hindi pag-aari sa lupa.

Ikatlo, sa usapin ng mga imprastruktura na natapos at tinapos, dapat lamang na gawin nila ito. Bahagi ito ng serbisyo publiko. Huwag nang magmalaki si GMA sa ”tagumpay’ na ito dahil puno din ng anomalya ang mga proyektong ito. Ang NAIA 3, kung matatandaan natin ay naging sentro ng kontrobersya dahil sa pagkakawaldas sa pondo nito at ang pagbagsak ng kisame nito bago pa man mapasinayaan at maibukas sa publiko. Ang Subic-Clark-Tarlac Expressway ay lumampas din sa nauna nitong target na makumpleto ang proyekto. Sabi nga ni Neal H. Cruz sa kanyang pitak sa Inquirer, ang maikling kalsada na ginawa sa may reclamation site at ipinangalan kay dating pangulong Diosdado Macapagal ay pasok sa Guinness Book of World Records bilang pinakamahal na kalsadang ginawa sa buong mundo na tila nilatagan ng ginto. Maging ang mga eskwelahan na ipinagmamalaki niyang naipatayo ay hindi pa rin sapat. Maraming eskwelahan ang nagiba na noong nagdaang mga kalamidad, may mga bagong tayo naman na hindi kumpleto ang pagkakagawa, tulad ng mga palikuran na hindi maaayos ang pagkakalatag at nagbabara, may paaralang wala man lamang lababo, atbp. Sa Payatas lamang nitong nakaraang pasukan, humingi na ito ng espesyal na permiso para hindi na tumanggap ng estudyante dahil hindi na nila kaya ang bilang ng mga estudyante. Ayon nga sa matatanda, siksik at liglig na ito ng ma estudyante, lalabas na sa ilong dahil sa dami.

Ikaapat, tungkol sa ”sound base” ng susunod na henerasyon, ito ba ang layunin ng English Language Policy niya sa mga paaralan? Ang itulak ang kabataan na matuto ng isang banyagang lengwahe bilang paghahandang maging isang ”world-class citizen”? Ang ilunsad ang mga pag-aaral sa isang lengwahe na hindi naiintindihan ng mga mag-aaral, at kung gayon, hindi makakatulong sa kanilang pag-unlad. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila.  Hindi naman sa itinatakwil ko nang lubos ang banyagang mga lengwahe, ngunit marami nang pag-aaral na naisagawa na mas mahusay na gamitin ang natural/likas na lenggwahe ng isang bata sa mga unang taon ng pag-aaral nito. Tingnan natin ang ibang mga bansa, pinagtatawanan natin ang mga pag-Iingles nila, gaya ng mga Hapon, Tsino at iba pa, dahil hindi sila matatas at balu-baluktot ang gramatika. Pero kung susukatin ang antas ng kaalaman at edukasyon ng kabataan sa kanilang mga bansa, di hamak na nakakahiya ang lagay natin, lalo sa syensa at matematika. Halimbawa na lamang ang isang pribadong eskwelahan sa dati kong pinasukan, sumisingil ito ngayon ng humigit-kumulang P40,ooo para sa isang taon. Pero nang mabasa ko ang kanilang highschool organ, mababa ang kalidad ng pag-iingles at maging ang kalidad ng mga artikulo. Mabuti sana kung magagandang artikulo ito na nakakatawa lamang ang pagkasulat sa Ingles, ngunit ang mga artikulo mismo ang may problema. Bukod pa sa teknikal na mga aspeto nito, gaya ng lay-out, proofreading atbp. Kung ganito na ang maibibigay ng isang pribadong eskwelahan na pang middle-class, paano pa kaya ang mga pampublikong paaralan na hindi naman maituturing na pilot school (hal. Philippine Science HS, Quezon City Science HS, Manila HS, UP, atbp)?

Kung talagang nais nating umunlad ang bansa, ang kalidad ng edukasyon ang dapat pagtuunan ng pansin.

At ikalima, saan naman nanggaling ang ” we are safer from environmental degradation and man-made disasters”? Kung tutuusin, napakatagal na kasing naghihirap ng bansa natin kaya parang hindi na bago ang krisis ngayon. Sa tingin ko, pambobola lang ng mga internasyunal na ahensya ang pahayag na ito para papasukin sila sa bansa at makapanghuthot pa ng kung anong mahuhuthot nila. Hindi ba’t ang ibig namang patungkulan dito ni GMA ay ang pagtataas sa credit rating ng Pilipinas dahil tumaas umano sa $3 billion ang reserves natin? Tama na magpasalamat siya sa mga OFW dahil sila ang bumubuhay sa ekonomya natin ngayon. Sa kabilang banda, kahit maganda na pinayagan tayong mangutang nang mas malaki ngayon, utang pa rin iyon. Utang na babayaran ng susunod na henerasyon dahil sa pagpapabaya ng gubyerno sa pangongolekta ng buwis at sa direktang pangungurakot sa pondo sa mga proyektong naging pundasyon na sana ng ating ekonomya.

Kung titingnan natin ang  tinaguriang ”Arroyonomics” ni GMA, wala naman itong ipinag-iba sa esensya sa iba pang naunang mga administrasyon, kung saan ang mga patakaran ng gubyerno ay higit na nakakiling sa malalaking negosyo laban sa maliliit na manggagawa at ordinaryong mamamayan. Pagtahak lang ito sa linya ng neo-globalisasyon, na ayon sa kanya’y ”a free market, not a free-for all.” Totoo naman ito, dahil ang malaya lang namang makapasok sa kumpetisyong ngayon ay ang malalaking kumpanya na may rekurso at tibay ng sikmura na magsamantala sa iba habang nagpapasasa sila. Paano naman makakasali at mananatiling buhay dito ang maliliit at karaniwang tao na gusto rin sanang umunlad ang buhay? Kaya, nauso ang micro-financing.

Sa buong mundo ngayon, lugmok ang pinakamalalaking kapitalistang ekonomya, hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan, kundi dahil sa katangian mismo ng mga ekonomyang ito. Pinapayagan ng kapitalistang ekonomya na gumanansya nang husto ang mga kapitalista sa pamamagitan ng malalaking tubo sa kanilang mga produkto, habang binabarat naman ang sahod ng mga manggagagwa nito. Tulad ng nangyari noong dekada 1930’s, kung saan napakaraming produkto ang nalikha ngunit walang bumibili ng mga ito dahil walang pambili, ganito rin ang nangyayari ngayon. Matumal ang mga negosyo kahit pa bagsak-presyo na ang mga produkto. May mga trabaho mang bukas para sa mga nagnanais makipagsapalaran sa ibang bansa, wala namang pilang mahaba dahil wala lang maibayad na placement fee.

Huwag magmalaki si GMA sa mga ”tagumpay” niya, tandaan nating nabubuhay tayo sa utang at nakaasa ang ekonomya natin sa dayuhang mamumuhunan. Kung ang kani-kanilang mga bansa ay hindi pa lubos na nakakabawi sa krisis na kinalugmukan nito, saan nanggaling ang pahayag ng gubyerno na tapos na ang pinakamadilim na gabi at nakawala na tayo sa panganib?

Mag-iwan ng puna

Filed under kalorkihan

Good Morning!

Umaga. Kauuwi lamang ni Mara mula sa panggabing shift sa trabaho. Naabutan nitong tulog pa ang mga anak kahit mataas na ang sikat ng araw.

”Hoy! Bangon na kayo, tanghali na!” panggigising ni Mara sa tatlo niyang anak.

Pupungas-pungas, bumangon na ang mga ito at nagligpit ng pinaghigaan, saka pumwesto sa tabi ng ina na nagkokompyuter.

’There’s a fruitcake in everybody…” malakas na kanta ni Mara, pinakikinggan ang nakakarang mga kanta sa kanyang bagong biling iPod.Tahimik na nanonood ang dalagitang anak, samantalang nagsisimula nang magkulitan ang dalawang nakababatang lalaki. ”

Aahh! P200 lang itong t-shirt oh!” malakas na banggit ni Mara,”bakit siya meron nito at ako wala?’

Julie Tearjerky on the phone…. Bulalas ng ispiker ng kompyuter.

”Eh, ba’t ka naninipa?” ”Eh, ba’t ka nang-aasar?,” sigawan ng dalawang bata.

”Hoy! Ano ba?! Ang ingay niyo!” bulyaw ng ina na nakapako pa rin sa kompyuter ang mata. Saglit na nanahimik ang dalawang lalaki subalit patuloy sa pagdidilaan at pag-aasaran.

”Putcha! ’yung iPod ko, ano ba? Hindi kasi magdahan-dahan eh!” baling naman nito dalagitang anak na di sinasadyang nahatak ang kordon ng laruan ng ina.

Ilang minuto pa’y sumabog ang pag-iiringan ng dalawang lalaki. Nagpang-abot na ang dalawa, nagsusuntukan at nagsisipaan na.

“Puta naman eh!”galit na galit na tumayo si Mara mula sa kompyuter at hinarap ang dalawa, ”Sige,, magpatayan kayo. MAGPATAYAN NA KAYO SA HARAP KO! Mga wala kayong galang ah! Magpatayan na kayo!,” sigaw nito na namamaos na boses habang ipinagtutulakan sa isa’’t isa ang dalawang natameme na sa takot sa ina.

”Hindi ba sinabi kong huwag kayong magsasakitan! Ha?!,” nanggigil na binibigkas ni Mara ang bawat salita.

PAAK! Lagapak ng kamay sa braso.

”HINDI BA?!” PAAK! Mas malutong kaysa nauna.

“Hindi na kayo natuto!” Kumuha ng sinturon si Mara at muli itong pinahalik sa mga braso ng dalawa. “Ako, nagpapakahirap magtrabaho. Akala niyo ba naglalakwatsa ako gabi-gabi?! Pero anong ginagawa niyo?!” simula na ng litanya ni Mara na matagal na niyang kabisado.

“Anong ipinagmamalaki niyo sa akin, yung tatay niyo?! Wala namang pakinabang ang tatay niyo. Ako ang gumagapang para makapag-aral kayo, pero anong ginagawa niyo sa akin?! ”

Hindi tumitigil sa pagsasalita si Mara sa mga sama ng loob niya habang salit-salitang pinapalo ng sinturon ang tatlo. May nakawalang hikbi sa bibig ng isang bata, narinig iyon ni Mara. ”Ano, iiyak ka? Sige, umiyak ka at lakasan mo. LAKASAN MO!” Halos pumutok na ang ugat ni Mara sa leeg sa garalgal na pagsigaw nito sa mga bata.

Maya-maya lang, humupa na ang galit ni Mara at inutusan nitong mag-almusal na ang tulalang mga bata. At ipinagpatuloy nito ang nauntol na libangan.

Hi-hi-hikbi.. hi-hi-hikbi… Ayoko ng ingay mo! ’Wag mo nang itanong sa akin….

Sa isang magandang umaga, nagsasalitan ang impit na hikbi ng mga bata at ang malakas na pagkanta ni Mara.

1 Puna

Filed under kananayan

Book Review: Meridian Hill

(This is an article that never got published no matter how I tried —sad—- So, I’ll just post it here!)

Meridian’s Hill
“Perhaps it will be my part to walk behind the real revolutionaries – those who know they must spill blood in order to help the poor and the black and therefore go right ahead.”
– Meridian Hill
in Meridian by Alice Walker

Here is a story seldom told. Here is a story seldom heard. Meridian by Alice Walker appealed to me as a reflection appeals to its owner. Meridian Hill’s quest to make sense of her world and contribute something to it echoes humanity’s inclination to make its mark in the world, to effect a difference. Yet her story differs from the usual as she made her mark in ways that are not so popular and accepted by those bound by convention and conformity. Meridian is the story of a black woman-activist’s personal revolution as she joins the Civil Rights Movement.
As a black woman, life wasn’t kind to Meridian Hill at all. Her family is definitely not the ideal American family with the white picket fence, a porch and a dog. In fact, her father is the silent type that the Filipino society approves of, while her mother is a typical example of a bitter Filipino woman whose career and freedom was cut-short as society expects her to stay at home and raise fine children without any need for self-fulfilment and a sense of accomplishment besides being a wife and a mother.
Meridian’s childhood is far from perfect. Like the average victim of molestation, Meridian suffered in silence. She took it in all by herself and found comfort in exploiting her already exploited body, thinking that nothing good will ever come out of a damaged good. She got pregnant before even graduating from high school, distanced herself from, and eventually divorced, his husband and ultimately, gave up her child when a new opportunity to rebuild her life presented itself. Meridian, unknowingly and knowingly, rebelled from her mother’s image, both as a wife and a mother, and embraced her life’s passion, once she recognized it, wholly and without reserve. She is a survivor and an inspiration though not necessarily the epitome of a “good” woman.
In every person’s life, there comes a time when we make crucial decisions that change the course of our lives permanently and irrevocably. A change happens at the very core of our being that we cannot unchange and revert back to the way things were before. It happened to me as it happened to Meridian.
People say I have rebelled against everything I was taught, but in retrospect, I have not. With all due respect, I maybe more Christ-like, in terms of helping my brothers and sisters, than those who shake their heads and cluck their tongues, clutching their rosaries near their hearts, at my advocacy. Meridian wasn’t new to this either, she may not be considered religious but her spirituality is more than most religious people can hope to have.
At first, it was curiosity that drove me to join the mobilization for higher state subsidy. In my heart I know what I’m doing is right, in accordance with values my parents taught me and instilled by a Catholic upbringing. It was an innocent adventure at first, one with fellow but unfamiliar students. But when we hid streamers and stormed the Congress gates, it ceased being innocent and unfamiliar. The students I was with are obviously anticipating an initial confrontation and they came prepared as if in a war. That was the time when Meridian first connected to me, when we both “became aware of the past and the future of the larger world.”
And it’s true. The moment that you discover that life isn’t all about you is when you actually start living for yourself. You start to assess your beliefs, unlearn misinformation and amass a whole new education. It is when you find and stand for causes closest to your heart that you start living and cease just existing.
Meridian, like me, grappled with her conscience. As a civil rights worker, she debated on doing what is right or doing what is correct. Sometimes, the right thing is not the correct thing. Case in point, “the right thing is never to kill, but the correct thing is to kill when killing is necessary.” Complexity arises when the right and the correct don’t coincide and in fact, go the opposite directions. It took Meridian years to finally come to terms with this philosophical question and has found the answer to cement to commitment to her cause in the death of a total stranger. More often than not, the answer to the most complex question is the simplest one that we tend to overlook.
My own encounter with activism is fraught with struggles, both internal and external. Like Meridian, my health was affected with the stress that comes with work that is very stressful. My skin developed sores and I contracted various diseases as my immune system went haywire. I lost so much weight that I was half my size when I was a teenager. I let out a laugh when Meridian said, referring to her own frail health, “I am strong. I’m just not Superwoman.”
With immeasurable pressure, from the state, my family, friends and myself coupled with the innate difficulty of launching campaigns and getting the people to believe in the power that resides within them and make them get up and do something, everyday is war.
Battle fatigue is what Alice Walker called it in her book. Life sometimes presents itself as such a challenge that living it is tiring enough, without having the need to bother yourself with other’s problems. Sorrow without hope is probably the worst emotion a man, or woman, can show. Many activists whose initial idealism has been sapped by the seemingly endless confrontations succumb to battle fatigue and choose to live a more “peaceful life.” Meridian had it, and so did I.
But what a friend once told me echoes each time the fatigue crawls its way to me, “Everyday, you affirm your commitment to yourself . Everyday, you affirm your commitment to the people.” Everyday, I wake up and search for answers to very elusive questions as the world starts to include everybody else, not just oneself. All I have to do is look around, I need not go very far, only outside my door, onto the streets, into my child’s eyes, and the affirmation I need is there. Meridian understood when she said that “the respect she owed her life was to continue, against whatever obstacles, to live it, and not give up any particle of it without a fight to the death.”
Alice Walker, in Meridian, described a life that is most certainly far from perfect, but in its imperfection Meridian Hill found the peace that eludes most. Meridian’s revolution within has reached its decisive point and she emerged ever more sure of herself and her beliefs. But her life has not ceased to be a struggle as she continues to walk down the road, as Bob Marley said, to emancipation from mental slavery.

6 mga puna

Filed under kalorkihan