Category Archives: kananayan

mga nakakatawa, informative at nakakalokang kwento sa pagiging isang ina

OMG!

Oh My Gulay!

Post-Ondoy

Mapapa-OMG ka talaga, as in Oh My Gulay! sa presyo ng mga gulay ngayon. Ang kapirasong repolyo, isang buong medium -sized carrot at isang guhit ng chick peas sa itaas ay nagkakahalaga ng P100!

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under kananayan

Libreng Laba para sa mga Na-Ondoy

may nakapagsabi sa aking may ganito daw na ino-offer, libreng laba para sa mga binaha. Kalinisan Steam Laundry, Inc ang nagbukas ng ganitong napakagandang serbisyo.

Tawagan si Nancy Simon, 6350601, para sa mga detalye.

Mag-iwan ng puna

Filed under kananayan

Good Morning!

Umaga. Kauuwi lamang ni Mara mula sa panggabing shift sa trabaho. Naabutan nitong tulog pa ang mga anak kahit mataas na ang sikat ng araw.

”Hoy! Bangon na kayo, tanghali na!” panggigising ni Mara sa tatlo niyang anak.

Pupungas-pungas, bumangon na ang mga ito at nagligpit ng pinaghigaan, saka pumwesto sa tabi ng ina na nagkokompyuter.

’There’s a fruitcake in everybody…” malakas na kanta ni Mara, pinakikinggan ang nakakarang mga kanta sa kanyang bagong biling iPod.Tahimik na nanonood ang dalagitang anak, samantalang nagsisimula nang magkulitan ang dalawang nakababatang lalaki. ”

Aahh! P200 lang itong t-shirt oh!” malakas na banggit ni Mara,”bakit siya meron nito at ako wala?’

Julie Tearjerky on the phone…. Bulalas ng ispiker ng kompyuter.

”Eh, ba’t ka naninipa?” ”Eh, ba’t ka nang-aasar?,” sigawan ng dalawang bata.

”Hoy! Ano ba?! Ang ingay niyo!” bulyaw ng ina na nakapako pa rin sa kompyuter ang mata. Saglit na nanahimik ang dalawang lalaki subalit patuloy sa pagdidilaan at pag-aasaran.

”Putcha! ’yung iPod ko, ano ba? Hindi kasi magdahan-dahan eh!” baling naman nito dalagitang anak na di sinasadyang nahatak ang kordon ng laruan ng ina.

Ilang minuto pa’y sumabog ang pag-iiringan ng dalawang lalaki. Nagpang-abot na ang dalawa, nagsusuntukan at nagsisipaan na.

“Puta naman eh!”galit na galit na tumayo si Mara mula sa kompyuter at hinarap ang dalawa, ”Sige,, magpatayan kayo. MAGPATAYAN NA KAYO SA HARAP KO! Mga wala kayong galang ah! Magpatayan na kayo!,” sigaw nito na namamaos na boses habang ipinagtutulakan sa isa’’t isa ang dalawang natameme na sa takot sa ina.

”Hindi ba sinabi kong huwag kayong magsasakitan! Ha?!,” nanggigil na binibigkas ni Mara ang bawat salita.

PAAK! Lagapak ng kamay sa braso.

”HINDI BA?!” PAAK! Mas malutong kaysa nauna.

“Hindi na kayo natuto!” Kumuha ng sinturon si Mara at muli itong pinahalik sa mga braso ng dalawa. “Ako, nagpapakahirap magtrabaho. Akala niyo ba naglalakwatsa ako gabi-gabi?! Pero anong ginagawa niyo?!” simula na ng litanya ni Mara na matagal na niyang kabisado.

“Anong ipinagmamalaki niyo sa akin, yung tatay niyo?! Wala namang pakinabang ang tatay niyo. Ako ang gumagapang para makapag-aral kayo, pero anong ginagawa niyo sa akin?! ”

Hindi tumitigil sa pagsasalita si Mara sa mga sama ng loob niya habang salit-salitang pinapalo ng sinturon ang tatlo. May nakawalang hikbi sa bibig ng isang bata, narinig iyon ni Mara. ”Ano, iiyak ka? Sige, umiyak ka at lakasan mo. LAKASAN MO!” Halos pumutok na ang ugat ni Mara sa leeg sa garalgal na pagsigaw nito sa mga bata.

Maya-maya lang, humupa na ang galit ni Mara at inutusan nitong mag-almusal na ang tulalang mga bata. At ipinagpatuloy nito ang nauntol na libangan.

Hi-hi-hikbi.. hi-hi-hikbi… Ayoko ng ingay mo! ’Wag mo nang itanong sa akin….

Sa isang magandang umaga, nagsasalitan ang impit na hikbi ng mga bata at ang malakas na pagkanta ni Mara.

1 Puna

Filed under kananayan

Huling Kabanata ng Pangyayari sa TCL

HIndi ko agad na-update ang nangyari sa TCL nung nakaraang linggo, wala kasing gaanong puwang para magliwaliw ang isip ko nung nakaraan.

Pero, tapos na, nagkausap na kami.

Sundan ang kwento sa bago kong bahay.

2 mga puna

Filed under kananayan

Muntik na

Naalala niyo pa ba ang balita nung minsan na may nawlang bata sa mall? Iyung may sinamahang isang bata din na nakipagkaibigan sa kanya at kasama niyang lumabas ng arcade. Makalipas ang ilang linggo, nakita uli ang batang nawala sa may Laguna, kung tama ang pagkakatanda ko Ang batang nawawala at nakita sa Laguna ay isa nang gusgusing pulubi na namamalimos sa kalsada.

Nung nakaraang sabado, ,muntk na rin itong mangyari sa amin. Nakaugalian na naming mamasyal sa The Children’s Library sa Robinson’s Place Novaliches para sa exposure ng bata sa mga libro at hindi lang puro laro sa computer. Dito muntik nang mawala ang 4 yr old na anak namin.

Sampung minuto bago mag-alas-dos, nag-announce ng library na magsasara una ito dahil may party na ihohost. Nag-angat ako ng mukha mula sa librong binabasa ko at nakita ko ang anak na nasa computer area at may katabing bata. Nagligpit kami ng mga libro, at pagtingin ko uli, wala na ang anak ko!

Hinahap ng asawa ko sa labas at mabuting nakita niya ito pabalik sa library. Syempre napagsabihan namin ang bata, kaya siguro hindi masyado nagkwento kung ano ang sinabi sa kanya nung kaalaro niya. Sinundan namin yung bata pero hindi na namin siya nahabol.

Hindi ko sana ito pag-iisipan nang masama pero malakas ang kutob ng asawa ko na sindikato iyon, tulad nung napabalita na minsan sa tv. Kahapon, nung inusisa namin ulit yung anak namin, mas maluwag na siyang nagkwento.

Sample dialogue na lang.
Nanay: Anong sinabi sayo nung kalaro mo, bakit lumabas kayo?
anak: Sabi niya, baba daw kami tapos nagsabi na daw siya sa inyo.

Nung nalaman ko ito, wala nang duda sa isip ko na sindikato ito. Bakit sasabihin ng bata na ipinagpaalam na niya ang kalaro niya sa magulang nito para lang makalabas sila at sumama ito sa kanya?

Dalawang beses din lumabas yung anak kpo, una lumabas siya hanggang sa railing lang, sumilip sa baba at nagsabing ayaw niyang bumaba, tapos bumalik siya sa loob. Nung ikalawa, nung nakita siya ng asawa ko na pabalik na nakaabot na daw sila ng elevator at pababa na, pero umalis ulit yung anak ko at babalik na nga sa library.

Balak ko ngayong sumulat sa TCL at ipagbigay alam ito. siguro nama’y meron silang CCTV at baka sakaling nakuhanan ang bata.

kung sa bata naman, nirereview namin ulit ang mga dapat niyang gawin kung sakaling may kumuha sa kanya o pumilit sa kanya na sumama sa mga taong hindi niya kilala, bata o matanda.

Paalala lang ito sa mga magulang, gayundin sa mga establishments.

3 mga puna

Filed under kananayan

Anatomiya ng Kababaihan

Dalawang mata
Minsang malambing
Na nakasulyap sa kabiyak
Ngunit laging matapang
Na nakatanaw sa hinaharap

Dalawang balikat
Hukot at yukot
Sanlibo’t isang pasanin
Bilang ina at anak
Babae at mamamayan

Isang dibdib na
Walang kasairang
Hapag ng pag-asa at
Matibay na sandigan
Ng inaaaping kapwa

Dalawang bisig
Masuyong ipinaghehele
Ang mga supling
at pananggalang sa pasakit
na humahaplit

Dalawang kamay
Pinapawi sa isang haplos
Ang hapdi ng sugat sa tuhod
Ngayo’y nakakuyom sa kamao
Galit sa pait na sinapit

Isang sinapupunan
Maselang balon
Ng milagrong siyang buhay
Sisidlan ng pag-asang
Banyuhay ng bayan

Dalawang binti
Ikinadena sa bahay
Ng makalumang kaisipan
Pilit tumatayo, kumakawala
Sa pagmamaliit at pagsasamantala

Dalawang paa
Paroo’t parito ang mga hakbang
Sa paghahanap ng kaunlaran
Matibay na tinatahak ngayon
Ang landas ng kalayaan

Ang buong katawan
Ay nilikha nang ganito
Matiisin pero lumalaban
Mapagmahal ngunit matapang
Kontradiksyon at pagkakaisa
Ito ang anatomiya
Ng makabagong Maria.

*belated happy women’s day!

Mag-iwan ng puna

Filed under kananayan

Pangarap: isang serye

Mag-iwan ng puna

Filed under kananayan