Tag Archives: joel lamangan

Silipin ang SILIP

silip1 Nanood ako ng sine nung isang gabi kasama ang aking kaibigan. Masasabi kong ito ang ultimate movie experience ko dahil solo namin ang sinehan. Para lang kaming nasa bahay at nagchichikahan sa harap ng isang theater screen. panalo! imagine, pwede kang sumigaw, manghula ng susunod na eksena, magkomentaryo hangga’t gusto mo nang walang mags-SSHHHH! sayo na may kasama pang pag-ulan ng popcorn (buti nga kung popcorn lang ang ibato sa yo, noh).

At eto nga ang pinanood namin, Silip, pinagbibidahan nina Polo Ravales, Francine Prieto at Diana Zubiri. SI Joel Lamangan ang direktor at si Raquel Villavicancio ang nagsulat. Mahusay naman ang kabuuang takbo ng kwento. Pero kahit gaano kahusay, syempre may maikokomento at mairereklamo pa rin ang isang hamak na tagapanood na katulad ko.

Eto na po.

ang napansin ko kaagad dito ay ang stereotypical na pagbibihis sa mga babae sa kanayunan. masyadong romantisado (ramanticised) ang kostyum nila. sando at palda. teka, seksing sando pala, yung may lace-lace ha. hindi naman ito totoo dahil maraming trabaho ang mga kababihan sa kanayunan at hindi praktikal ang ganitong get-up.

may mala-hardin ng eden-mode din dito. patakbo-takbo. mga damo. dalawang hubad na katawan. kayo na ang mag-imagine, kaya niyo na yan.

nakakaloka lang ang ahihihi-haha-haha-ahihihi ng mga karakter nina Polo at Francine. gusto ko lang sabihin ha.

may eksena din ng isang partikular na kutsilyo na laging bumabalik-balik. naging palasak na ito, pero layunin siguro iyon ni Mr. Lamangan. Style ba sa buong pelikula. sa ending kasi bagay nga iyon.

Gusto ko ring batiin ang nagsulat si Ms. Villavicencio dahil ito palang yata ang psychological thriller na pinoy na napanood ko. Maganda yung twist (kahit nahuhulaan na namin) na may mental health problem si Diana Zubiri dito. Psychosis. hindi lang makatotohanan ang linyang “Patay ka na. Pinatay na kita sa isip ko.” Hindi naman kasi ganito sa totoong buhay. Kailangan ng matagalang gamutan at therapy para gumaling sa karamdamang ito at hindi “matatapos” sa “pagpatay sa isip” lang. bagamat, mahalagang hakbang iyon sa pagkilala ng pasyente na may sakit nga siya sa pag-iisip.

ang hatol ko, panoorin niyo dahil hindi sayang ang bayad.

2 mga puna

Filed under bakanteng oras, Uncategorized