Category Archives: Uncategorized

Police Brutality

[kyte.tv appKey=MarbachViewerEmbedded&uri=channels/70221&tbid=k_903&premium=false&height=445&width=425]
eto ang balita kagabi. hind na nakakapagtaka kung bakit napakaraming human rights violations dahil sa kultura na karahasan na nanunuot sa kapulisan at militar. bira sila ng bira sa mga hazing ng mga estudyante at mga tambay at gang na naghahazing bilang bahagi ng membership dito. ano ngayon ang ipinagkaiba nila sa mga ito, sa mga binansagan nilang mga kriminal?

sigurado akong hindi ito ngayon nangyari sa hanay ng kapulisan at militar. ang mismong nagbigay ng video sa ABS-CBN ay isang myembro ng kapulisan na dumanas ng ganitong pagpapahirap.

Ano nga ba ang layunin at nais makamit ng ganitong mga gawain?

Suntukin ang sikmura ng bagong rekluta para tumibay ito sa mga kahayupang gagawin nila sa mga darating na araw. Paluin ng paddle sa pwet/hita, para malaman nila kung saan ang palong nakakasakit lang at ang palo na nakakabalda. Mura-murahin, para makalimutan sa kahihiyan ang sariling pagkatao at maging sunud-sunuran sa mga nasa kapangyarihan?

eto ba ang mga tagapagtanggol ng bayan? kawawa naman si juan.

Advertisements

1 Puna

Filed under Uncategorized

Lost Laysen Discovered

margaret mitchell
I have already told you before of my recent discovery of books in Booksale. Remember my article on The Bean Trees by Barbara Kingsolver? I told you then that I also found another treasure. It was a novel by Margaret Mitchell. No it wasn’t Gone with the Wind. It was a novel which everyone thought was lost forever only to be uncovered years after the protagonists have died. It was aptly titled Lost Laysen.
The greatest thing about this discovery was that i only shelled out P20 for it. It was on sale. Looks like nobody recognized its worth. It was previously pegged at P120, then reduced to P70, down to P45, and ultimately, to P20.
This story itself is not as complicated as Gone With the Wind, spanning years and years with complex societal backdrop. What is truly a gem is the story behind the story.
The Lost Laysen was written by Margaret Mitchell on 1916, from July 10 to Aug 6, to be exact. This means it was written when Margaret, or Peggy as she liked to called, was four months shy her 16th birthday. According to the Introduction, Peggy wrote this story on two blue notebooks with hardly any erasures, written as if the story flowed continuously from her mind to her pen. She gave this story to Henry Love Angel as a gift.
Until the recent discovery of Lost Laysen and a few other memorabilia, Henry Love Angel was a mere footnote on Mitchell’s life. But as it turns out, Henry Love Angel’s relationship with Margaret Mitchell was much more complicated than anyone ever imagined. They were childhood friends and Henry made no secret of his love for Margaret. They shared a very meaningful relationship together, not quite as lovers, but certainly as more than friends. Henry proposed to her many times but Margaret said that she couldn’t picture them bound by marriage. Eventually, Margaret marries another man, but maintained her ties with Henry.
Margaret Mitchell, assuming from notes uncovered, wrote other novels besides the best-selling Gone with the Wind. However, she requested that all her works be destroyed when she dies. Henry didn’t destroy Margaret’s gift but he didn’t talk about it all, letting it sit in the closet for a long time. It was only after Henry’s death that the manuscript was discovered. And along with it a deeper and new understanding of Margaret Mitchell and her relationship with Henry. So it was decide by people concerned that Lost Laysen be printed along with Margaret’s letters to Henry and their pictures together. Lost Laysen is deeply entwined with their own story. To this day, it is still not known why Margaret presented Henry with a story of unrequited love.
Lost Laysen was printed in 1996, following the public announcement of the discoveries on 1995. It was edited by Debra Freer and published by Scribner Paperback Fiction.

Mag-iwan ng puna

Filed under Uncategorized

Hatinggabi ng Takipsilim: the movie

Hatinggabi ng Twilight
Ang pangit ng pelikula. Nauunawaan ko na may lisensyang pangsining para gawing mas nababagay sa pelikula ang isang kwento na orihinal na lumabas sa anyong libro.
Sa larangan ng mga artista, parang hindi nabigyan ng hustisya ng gumanap kay Bella Swan ang karakter nito. Parang naaalala ko si Katie Holmes sa mga pagganap niya sa Dawson’s Creek noon. Kulang ng damdamin ang pag-arte at hindi nahuli ang karakter ni Bella na matabil ang dila at matalino. Si Edward naman, stereotipikal ang pagkaganap, parang pa-mysterious effect. Kahit iyung ibang mga bampira, sa pelikula parang napakaelitista ng itsura, samantalang sa libro, ni hindi nila pinapansin ang kakaibang kagandahan nila.
Sa make-up din, hindi ko alam kung sa kalidad lang ng pelikulang pinanood ko, pero napakaputla nila. Alam kong mapuputi dapat sila, pero luminous, hindi pasty. Dapat siguro nag Pond’s Rosy White sila.
Sa plot, napakabagal ng kwento. Hindi rin nahuli ng pelikula ang paglalim ng relasyon nina Edward. Para kasing ilang na ilang si Bella at hindi pa ganoon kalalim ang pagkakaunawaan.
Ang hatol ko: basahin niyo na lang ang libro.

Mag-iwan ng puna

Filed under Uncategorized

Saranggola ni Pepe

Mag-iwan ng puna

Filed under Uncategorized

Pangarap: isang serye

Mag-iwan ng puna

Filed under kananayan, Uncategorized

Tagubilin at Habilin

Isinulat ni Jose “Pete” Lacaba

Binigkas ni Armida Siguion-Reyna

Musika ni Ryan Cayabyab

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.

Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.

Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.

Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.

Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.

Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.

Ingat lang.

Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.

Higit sa lahat, inuulit ko:

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.

Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.

Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.

Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
”Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.

Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Ang ganda-ganda di ba? sa sobrang ganda napabili tuloy ako ng CD na Pop Lola. Imagine si Ms. Armida na kilala sa mga “Aawitan Kita”-music, kumakanta ng mga pop songs. Dito nagsimula ang love affair ko sa iba pang kanta na hindi karaniwang naeenjoy ng mga kaedad ko.

3 mga puna

Filed under Uncategorized

Silipin ang SILIP

silip1 Nanood ako ng sine nung isang gabi kasama ang aking kaibigan. Masasabi kong ito ang ultimate movie experience ko dahil solo namin ang sinehan. Para lang kaming nasa bahay at nagchichikahan sa harap ng isang theater screen. panalo! imagine, pwede kang sumigaw, manghula ng susunod na eksena, magkomentaryo hangga’t gusto mo nang walang mags-SSHHHH! sayo na may kasama pang pag-ulan ng popcorn (buti nga kung popcorn lang ang ibato sa yo, noh).

At eto nga ang pinanood namin, Silip, pinagbibidahan nina Polo Ravales, Francine Prieto at Diana Zubiri. SI Joel Lamangan ang direktor at si Raquel Villavicancio ang nagsulat. Mahusay naman ang kabuuang takbo ng kwento. Pero kahit gaano kahusay, syempre may maikokomento at mairereklamo pa rin ang isang hamak na tagapanood na katulad ko.

Eto na po.

ang napansin ko kaagad dito ay ang stereotypical na pagbibihis sa mga babae sa kanayunan. masyadong romantisado (ramanticised) ang kostyum nila. sando at palda. teka, seksing sando pala, yung may lace-lace ha. hindi naman ito totoo dahil maraming trabaho ang mga kababihan sa kanayunan at hindi praktikal ang ganitong get-up.

may mala-hardin ng eden-mode din dito. patakbo-takbo. mga damo. dalawang hubad na katawan. kayo na ang mag-imagine, kaya niyo na yan.

nakakaloka lang ang ahihihi-haha-haha-ahihihi ng mga karakter nina Polo at Francine. gusto ko lang sabihin ha.

may eksena din ng isang partikular na kutsilyo na laging bumabalik-balik. naging palasak na ito, pero layunin siguro iyon ni Mr. Lamangan. Style ba sa buong pelikula. sa ending kasi bagay nga iyon.

Gusto ko ring batiin ang nagsulat si Ms. Villavicencio dahil ito palang yata ang psychological thriller na pinoy na napanood ko. Maganda yung twist (kahit nahuhulaan na namin) na may mental health problem si Diana Zubiri dito. Psychosis. hindi lang makatotohanan ang linyang “Patay ka na. Pinatay na kita sa isip ko.” Hindi naman kasi ganito sa totoong buhay. Kailangan ng matagalang gamutan at therapy para gumaling sa karamdamang ito at hindi “matatapos” sa “pagpatay sa isip” lang. bagamat, mahalagang hakbang iyon sa pagkilala ng pasyente na may sakit nga siya sa pag-iisip.

ang hatol ko, panoorin niyo dahil hindi sayang ang bayad.

2 mga puna

Filed under bakanteng oras, Uncategorized