Category Archives: bakanteng oras

mga opinyon sa mga libro, pelikula, palabas at kung anu-ano pang mapaglilibangan

Naghihintay

blank marker

 

Tandang blanko

Naghihintay sa kasaysayang

Maiuukit sa kanya

Para panatiling-buhay

Ng mga salinlahi

Ang alalala

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under bakanteng oras

Nakakulong na Diwa: isang rebyu sa SELDA

Nitong nakaraan, matapos mapanood ang Transformers 2 sa wakas, at ang bagong Harry Potter and the Half-Blood Prince, nagpasya akong subukan naman ang Pinoy indie. Dalawa ang pinanood ko, pero isa-isa lang muna ang kwento.

selda

Itong ikukuwento ko at uuriratin ay ang SELDA na pinagbibidahan nina Ara Mina, Sid Lucero, at Emilio Garcia. Kwento ito na umiinog kay Sid Lucero bilang Rommel, isang taong nakakulong sa pisikal na mundo at sa sariling katauhan din niya. Maganda ang takbo ng istorya, kahit medyo mahaba sa dalawa’t kalahating oras dahil may mga eksenang maari pa sanang paikliin o alisin na mismo.

Bumungad ang eksena sa dalawang taong naghihintay, si Ara Mina bilang Sita naghihintay sa karelasyong si Sid at isang bata sa kalsada na naghihintay lamang ng pagkakataon na maitakbo ang bag ni Ara Mina. Habulan ang sumunod na eksena, habulan ng dakilang boypren at ng batang isnatser na nauwi sa malagim na katapusan. Nabangga ang bata sa pagtawid sa kalsada at dumiretso naman sa kulungan ang binata.

Sa kulungan, maraming bagay ang ipinakita at bahagyang sinaling ng kwento. Una, ang hirap ng buhay sa kulungan. Ikalawa, ang malupit na pagtatrato ng kapulisan, o ng hepe partikular sa kwentong ito, sa mga preso. Ikatlo, ang pagmamalupit ng preso sa kapwa preso. Ikaapat, ang mga pagbabagong mangyayari sa iyo dahil sa karanasang ito.

Ipinakita dito ang paraan ng pagkain ng mga preso, ang pasilyo bilang mess hall nila. Hindi rin syempre nakaligtaan ang marumi at nakakasukang kalagayan ng sanitasyon sa loob. Isang palikuran na nag-uumapaw man sa dumi ay kailangan mo pa ring gamitin dahil wala namang ibang pagpipilian. Maliit na selda ng lima katao kahit apat lamang ang tulugan Si Rommel ang nakaduyan dahil siya ang pinakabaguhan.

Pagpasok pa lamang ni Rommel sa kulungan, eksena na si Michael de Mesa bilang sigang hepe. Kitang-kita kung paano ito nagpo-power trip sa mga nasa loob. Isang kontradiksyon sa sarili niya mismo, relihiyosong nagsasambit ng mga kataga sa bibliya ngunit umaastang panginoon din sa loob ng rehas.

Ngunit kung inaakala mong nakahanap ka na ng kakampi sa mga kapwa mo preso, nagkakamali ka. Tulad sa buhay sa labas, iba-iba ang aktitud dito – kapit sa patalim, matira ang matibay, patangay lang sa agos kung di mo kayang sumalungat. Ngunit nagmatigas si Rommel at pinagbayaran niya ito.

At ang pinakamahalaga, ang pagbabagong magaganap sa sarili mo. Sa dami ng karanasang pinagdadaanan ngmga kapwa preso, nabubuo ang ugnayang hindi pinaplano. Hindi naging ligtas dito si Rommel at taglay niya ito hanggang sa makalabas siya. Mahusay ang daloy ng kwento hanggang dito – makatotohanan, sariwa, emosyunal. Maging ang pagganap ng mga artista ay hindi matatawaran.

Dito na medyo gumulo.

Sa kanyang paglabas, nagbuo sila ni Sita ng pamilya at pinili ang tahimik na buhay sa bukirin. Hindi siguro sapat ang pananaliksik ng nagsulat nito tungkol sa buhay ng magsasaka. Tanghali nang gumising si Rommel, mataas na ang araw kung pumunta ng bukid. Pagkakain sa tanghali, matutulog, at pagkagising nama’y uuwi na. Pagdating naman sa bahay, sasakay ng kanyang duyan at matutulog muli habang hinihintay ang tawag sa hapunan. May naging malapit na kapwa preso si Rommel noon, si Esteban, at sa paglaya nito, tinunton ang bahay niya sa probinsya. Doon ito nakitira sa maliit na bahay ng mag-asawa, kung saan, kurtina lamang ang pagitan ng mag-asawa at ng kanilang bisita. Dito na napatotohanan ang hinala ko, may relasyon ang dalawang dating preso ala-Brokeback Mountain. Nagpupunta sila sa bukid at inaabot ng gabi doon. Mayroon silang relasyon na kadalasa’y di na kailangan pang mag-usap para magkaunawaan. Umabot sa puntong hindi na kayang panindigan ni Rommel ang kanilang relasyon dahil naguguluhan siya sa kanilang sitwasyon. Sa kanyang galit na pagtatabas ng damo, aksidenteng tinamaan ang anak na naglalaro sa damuhan.

Sa madaling sabi, naputol ang relasyon ng dalawang lalaki at nanaig ang relasyon ni Rommel at Sita, sa paglisan ng bisita sa mag-asawa at sa problema. Sa tingin ko’y dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na kwento ito. Ang unang bahagi ay maaari na sanang makatindig sa sarili nito. Buhay sa selda, buhay ng preso. Literal na pagbibigay-hugis sa pamagat nitong Selda. Ang ikalawa ay maaari din makatindig sa sarili nito. Maaari sanang nagbigay lang ng maikling kasaysayan sa naging kalikasan ng relasyon ni Sid at ni Emilio, bago tumungo sa kasalukuyang relasyon nila kasama ang asawa ni Rommel. Dito maaaring matalinhagang Selda na ang pinag-ukulan ng kwento.

Bunsod ba ang kwentong ito ng tunay na kamulatan sa mga dinadanas at sikolohiya ng mga bakla? O bunsod lang ba ito ng pagiging uso ng mga pelikula tungkol sa mga bakla?

 Kung ako ang tatanungin, irerekomenda ko pa rin ang pelikulang ito, ngunit laging may kakambal na pasubali. Maganda ang pagkakagawa, mahuhusay ang pagganap ng mga artista at sa esensya, isang kwento pa rin ng paghahanap sa kaligayahan at sa sarili.

1 Puna

Filed under bakanteng oras

Movie Review: Of Angels and Demons

I have just seen Angels and Demons in the theater. It is the movie adaptation of Dan Brown’s bestselling Angels and Demons, the prequel to another hit, The Da Vinci Code. I have also read the book and have reread it to check the adaptation’s accuracy. There are numerous changes, some small details but the others are quite big. I stopped counting when I reached 20.

Read the whole article here.

2 mga puna

Filed under bakanteng oras

Movie Review: Identity Crisis of Baler

Baler is a movie about the fall of the Spanish soldiers occupying the area. It is also a love story between a provincial lass and a Guardia Civil. Set in the province of Baler, Aurora just before Spain surrendered.

It was packaged as a movie about Philippine Revolution, but fails to be such. Baler had an identity crisis and wasn’t sure who the real heroes are of the particular battle.

Technically, the movie has great cinematography except for one scene, Anne Curtis’ was reading a letter from her beau. The editing could’ve been better. The scenes are abruptly cut short and the focus shifted to another back story.

BALER (2008) [PINOY] DVDRiP HardEngSubs [Tagalog] WingTip.avi_003856953

However, the story itself is problematic. It seems to enshrine as heroes the Guardia Civil locked up in the church instead of the Katipuneros who laid the siege. The story, it was told, was based on a Spanish officer’s diary account, so the bias is definietely there.

The movie failed to give something new, it even failed to accurately depict the Katipuneros. They were shown as very emotional people, who have a one-track mind and a proud swagger. Phillip Salvador’s character is so shallow. Of course, Filipinos were outraged by Spanish soldier’s atrocities, but they joined the revolution for perfectly legitimate and justified reasons, not just purely personal ones.

And while the Katipuneros are being shown as stereotypical goons, with long, unkempt hair and wild eyes, the Spanish soldiers are promoted as heroes for lasting a year long siege.

The movie was geared as a love story, sadly, all the movie achieved is be an apologist for the church and spain.

BALER (2008) [PINOY] DVDRiP HardEngSubs [Tagalog] WingTip.avi_001567399

5 mga puna

Filed under bakanteng oras

Romeo Forbes Storywriting Contest Announces its Winners!

Canvas launched a storywriting contest last February, using this unnamed artwork as basis or jump-off point. For this contest, Fernando Gonzalez was named the grand prize winner with his entry Mga Huni sa Loob ng Kawayan. Other winners were also named.

Congratulations!

Mag-iwan ng puna

Filed under bakanteng oras

Wanted:Writers and Bloggers

Reposted from FilipinoWriter.com

Job Description:

We’re looking for people to write inspirational and humorous articles on matters concerning family, marriage, parenting, midlife, seasonal topics and social issues affecting Filipino familes in the Philippines and abroad. We want writers who can educate, support and encourage others thru their articles and features. This is a good supplemental income for people who want to write about something they feel strongly about or knowledgeable about some topics.

* Articles must be interesting, compelling lead into each story is critical. Our readers are as busy as we are and therefore we must seduce them into reading our work;
* When there is humor people listen better, its always good to inject good humor to lighten a “heavy” story;
* Readers want surprise and twist so inserting some surprise or unexpected statistic or raise eyebrows with a surprising outcome keeps readers interested;
* Many people don’t read articles, they just browse over the article, we want to inject some pullout quotes, bulleted items or sub-heading of an important information for people just browsing or just passing by;
* A photograph is worth a thousand words so if you can supply a pertinent image it would certainly grab readers attention;
* Articles should not go over 1,000 words including sidebars.

Qualifications:

* Proficient in English;
* Freelance Writers, Journalist, Blog savy, Students and Professionals, Housewives are welcome;
* Writers does not have to be physically present in the Philippines, He/She can be anywhere in the world, preferably where there is a strong Filipino presence such as Hong Kong, Italy, Middle East, USA, Canada, Japan or Australia/New Zealand, anywhere there is an internet connection.

Renumeration:

* Will be in U.S. Dollars by Paypal or Direct Deposit.
* Our rates to writers are very competitive and will depend on experience and quality of work.

Please submit your resume with a copy of your work to: filfamproject@yahoo.com
E-mail: filfamproject@yahoo.com
Phone: Private
URL: http://www.filipinofamily.org (Soon to Come)

2 mga puna

Filed under bakanteng oras

Takipsilim ng Twilight

twilightNapanood ko na ang Twilight. Nabasa ko na din ang libro. Gusto kong sabihin kung anu-ano ang pagtingin ko sa dalawang ito. Uunahin ko ang libro, ang serye.
Kailangan ko yatang aminin na naadik din ako sa seryeng ito. Magaan ang pagkakasulat. Mabilis din ang mga pangyayari. Kaya parang hindi ko mahintay ang mga susunod na mangyayari. Kahit nga hindi ako nakaharap sa libro at may ibang ginagawa, naglalaro sa isip ko ang mga eksena sa libro.
Nagustuhan ko rin ang treatment na ginawa sa mga bampira at sa taong lobo. Mga kwentong bayan ito na pamilyar tayo kahit kwentong bayan ng ibang bayan. Bagamat ginamit ni Stephanie Meyer ang popular na banggaan ng mga bampira at taong-lobo, mayroon itong bagong mga elemento. Ang mga bampira ni Meyer ay hindi ang mga tipikal na bampirang nakilala natin sa iba pang naunang mga pelikula at libro na hindi kayang lumabas sa liwanag at walang pusong mga mamamatay-tao. Pinanatili rin naman ni Meyer ang ilan sa ganitong palasak na katangian ng mga bampira ngunit hindi sa mga bida niya, kundi sa mga kontrabida.
Kung sa mga taong-lobo, hindi ako ganoon ka pamilyar sa mga kwento dito maliban sa napanood kong Underworld: The Rise of the Lycans . Pero syempre, magkaibang-magkaiba naman ang treatment ng mga bampira at taong-lobo dito. Teka, napanood ko rin nga pala ang Lobo pero magkaiba rin ang pinagmulan ng lahing ito. Iba rin ang kontekstong pangkultura nito dahil Asyano na. Pero bago sa akin ang konsepto ni Meyer ng “pack mind” kung saan bukas sa buong grupo ang isipan ng bawat isa kapag nasa anyong lobo sila. Hindi ko rin alam kung halaw sa totoong kwentong bayan ng Quilete ang kwento ng mga taong-lobo ni Meyer.
Naaliw din ako sa karakter ni Bella Swan. Hindi ko alam kung napakatapang niya o napakatanga niyang babae. Sabagay, yung din naman ang sinabi ni Edward Cullen sa kanya, na hindi niya maintindihan si Bella kung bakit gustung-gusto pa rin niya si Edward kahit alam niya lubhang mapanganib ito. Pero, kakaiba naman siya talagang babae. Matalino, matalas ang pandama at mapagmahal sa magulang hanggang sa huling sandali.
Si Edward naman, the ever shining knight in armor with a twist. Hinangaan ko din ang kontrol niya sa sarili sa pakikipagrelasyon kay Bella. Nagustuhan ko rin ang humor niya at ang pagiging hindi makasarili. Biro mo ba naman, nanjan na ang palay, hindi pa tinutuka? Gusto na nga ni Bella na maging katulad niya para magkasama sila pero si Edward mismo ang may ayaw.
Yun nga lang, pagdating sa ikatlong libro, nakakasawa na ang kilig factor na ito. Buti na lang at medyo naiba ang focus ng ikalawang libro, nagkaroon ng focus sa mga taong-lobo at relasyon nila kay Bella. Pagbalik sa ikatlong libro na magkasama na uli sina Bella, nilalaktawan ko na ang ilang mga bahagi. “Hayy, napakabango ng hininga niya, hihimatayin yata ako.” “Ang gwapo niya talaga.” “Hindi ko masubdan ang sinasabi niya dahil napaganda ng mga labi niya.” Hindi ko na kinaya ito.
Naintindihan ko din ang nabasa kong mga review sa Twilight series bago ipalabas ang pelikula. Sa ikaapat na libro, bagamat napanatili ang tiempo ng mga bagay-bagay, parang nagmamadali na nga sa dulo. Iyung lumitaw na kauri ng anak nina Edward at Bella, parang pilit na ang pagkasingit. Nakakainis din ang ending na nag-uwian na lang ang mga bampirang ito. Nakakagigil ang Volturi sa paghahanap ng butas na magbibigay ng dahilan parang patayin ang pamilya nina Edward. Pero natapos ang lahat sa pananatili ng status quo, nanatili sina Edward sa Forks at umuwi na ang Volturi sa Italya. Sabi nga ni William Shakespeare, Much Ado About Nothing.
Kahit pa nagsimula bilang non-conformist at revolutionary ang mga karakter ni Meyer, hindi niya ito napanindigan sa dulo at biglang bumaliktad. Imbes na maging tagapamandila ng pagkakapantay-pantay, pagbabago at pagkilala sa paniniwala ng iba, nauwi sa pagtatanggol sa status quo ang lahat. Hindi naging maganda ang mensahe nito para sa akin. Ayon Meyer, ayos lang na maging kakaiba at sumalungat sa agos, pero dapat matapos na iyon doon at huwag nang maghangad pa ng mas malalaki at mas magagandang pagbabago. Tama ba yun?

Mag-iwan ng puna

Filed under bakanteng oras