Tag Archives: pinoy film

DED na sina LOLO at LOLA (Tiyo, tiya at iba pa)

 

Sa paggunita sa araw ng mga patay sa susunod na mga araw, gusto kong ibahagi ang isang pelikula na nagpapakita sa kaugaliang Pinoy pagdating sa mga patay, and Ded na si Lolo.

Ang pelikulang ito ay isinulat at idinirehe ni Soxie Topacio.

 

Tawa kami nang tawa nang pinanood namin ito. Kuhang-kuha kasi ang kaugaliang Pinoy sa pelikulang ito. Para lang pinapanood mo ang sarili mo sa pelikulang ito.

 

Pamilyar ang mga tao sa mga pamahiin na binabanggit sa pelikulang ito, hindi na bago, ika nga. Pero ang nakakagulat, mayroon pa palang hindi ko alam. Tulad ng paglalagay ng pera sa kamay ng patay, hindi bilang pabaon sa kanya, kundi para maging maswerte sa hahawak ng perang ito na kukunin din bago ilibing ang bangkay. Isa pa’y bawal din daw ang maligo sa bahay na may patay. Dapat din daw, ang lahat ng malilikom na abuloy ay gagamitin sa patay lamang. Hindi rin daw dapat nakatapat sa pinto ang mga paa ng patay. Dapat din daw na agad na maglinis ng bahay sa sandaling buhatin ang patay palabas ng bahay. Maswerte din daw ang makasalubong ng prusisyon ng patay sa daan.

 

Ilan lang iyan sa mga pamahiin na bago sa akin at doon ko lang nalaman sa Ded na si Lolo.

 

Nakakatawang eksena din dito ang ugaling Pinoy na “picture-picture”. Mahilig magkuhanan ng litrato ang mga Pilipino. Gustung gusto kasi nating hulihin ang tuwa ng sandali at ikahon ang mga ito sa eskaparate para lagi nating makita at mabalik-balikan ang mga “Kodak moment”. Lalo nang nauso ang Friendster at Facebook, lahat na lang ng kilos ng tao, gusto nilang pakunan ng litrato para maipost sa internet at makita ng mga tao, kilala man nila o hindi. At oo, maging ang mga malulungkot na pangyayari, tulad ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay, ay hindi ligtas sa pagnanais na maidokumento ito sa litrato. Hindi naman ito masama. Ang kaso lang eh, kailangan ba talagang ngumiti kapag nagpaplitrato kahit hindi naman bagay sa okasyon at dahil naiuugnay lang na kapag “picture-picture” kailangan lagi naka-“Smile!”

 

Bukod sa mga pamahiin na ipinakita dito sa pelikula, isang aspeto din nito ang pagpapakita sa isang hindi gaanong magandang ugaling pinoy. Hindi lamang pagdadalamhati ang dulot ng pagbaha ng luha sa lamay na ito. Sa isang eksena dito, may dumating na bisitang matandang babae na hindi kilala ng sinumang pamilya ng namatay maliban sa isang anak nito. Noon lamang lumabas ang isang matagal nang sekreto ng ka

nilang ama. Gayundin,
nabunyag din ang sama ng loob na kinikimkim ng isang kapatid sa napakahabang panahon.

 

Ang lamay na karaniwang ginagawa ng mga Katolikong Pilipino sa loob ng isang linggo

ay isang okasyon para magdalamhati at magdiwang. Magdalamhati sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay at magdiwang sa buhay na kaniyang tinahak. Ngunit, ang lamay, tulad ng ipinakita sa Ded na si Lolo ay okasyon din ng pagpapakatotoo at pagharap sa mga takot at pag-aalinlangan, at ng maluwag na pagtanggap sa mga ito.

 

Sa mga lamay, dahil tipon-tipon at kargado ng emosyon ang
hangin, lumalabas sa bulung-bulungan man o sa sigawan, ang mga sekreto pinakatatago hindi lamang ng patay, kundi maging ng mga taong nakapalibot sa kanya.

 

Ngunit sa kabilang banda nito, ipinakita ng pelikula ang ideyal na kalalabasan ng mga dramang nagaganap sa lamay, isang unang pamilya, inggit ng isang kapatid, (at kung ano-ano pa sa tunay na buhay). Ito ay ang pangingibabaw ng dugo, o ng relasyong magkamag-anak, at pagkakaayos ng lahat-lahat na tila mga pyesa ng isang nabubuong larawan.

 

Ang mga Pinoy kasi, dulot ng agrikultural at hindi pa industriyalisadong ekonomya at ng kulturang hindi pa lubusang nakakahulagpos sa makalumang pag-iisip, ay maraming pamahiin sa buhay, mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa pagdapit-hapon ng buhay. Tatak ito ng kulturang Pinoy na halo-halong kulturang sarili at kultura ng mga nanakop sa atin.

 

Ngunit kahit napakatagal na nitong namumugad sa ating isipan, maliwanag na ipinakita ng Ded na si Lolo ang kakapusan ng mga pamahiing ito sa harap ng nagbabagong panahon. Kinatawan ni Roderick Paulate dito, bilang baklang anak ng namatay, ang mapanuring isipan. Kung titingnan kasi, bilang bakla mismo, hindi na rin siya kabahagi ng namamayaning kultura dahil lumantad siya at kumawala sa pagkukulong sa kanya sa pananatiling lalaki. Dito, siya rin ang tanong nang tanong at naghahamon sa mga pamahiin na iyan. Sino bang nagsabi na bawal ang magsuot ng pula ang matatanda pero okey lang sa mga bata? Sino bang nagsabi na hindi pwedeng maglinis ng bahay habang may patay kahit nanlilimahid na ito sa dumi? Sino din ang nagsabi na hindi pwedeng maghatid ang mga taong namatayan?

Sino ba sila?

Magandang tanong hindi ba? Sino nga ba ang nagsasabi sa atin kung paano kumilos at mag-isip?

Ang Ded na si Lolo ay salamin ng buhay-Pinoy. Panoorin niyo ito at panoorin ang mga sarili natin.

Mag-iwan ng puna

Filed under kalorkihan

Nakakulong na Diwa: isang rebyu sa SELDA

Nitong nakaraan, matapos mapanood ang Transformers 2 sa wakas, at ang bagong Harry Potter and the Half-Blood Prince, nagpasya akong subukan naman ang Pinoy indie. Dalawa ang pinanood ko, pero isa-isa lang muna ang kwento.

selda

Itong ikukuwento ko at uuriratin ay ang SELDA na pinagbibidahan nina Ara Mina, Sid Lucero, at Emilio Garcia. Kwento ito na umiinog kay Sid Lucero bilang Rommel, isang taong nakakulong sa pisikal na mundo at sa sariling katauhan din niya. Maganda ang takbo ng istorya, kahit medyo mahaba sa dalawa’t kalahating oras dahil may mga eksenang maari pa sanang paikliin o alisin na mismo.

Bumungad ang eksena sa dalawang taong naghihintay, si Ara Mina bilang Sita naghihintay sa karelasyong si Sid at isang bata sa kalsada na naghihintay lamang ng pagkakataon na maitakbo ang bag ni Ara Mina. Habulan ang sumunod na eksena, habulan ng dakilang boypren at ng batang isnatser na nauwi sa malagim na katapusan. Nabangga ang bata sa pagtawid sa kalsada at dumiretso naman sa kulungan ang binata.

Sa kulungan, maraming bagay ang ipinakita at bahagyang sinaling ng kwento. Una, ang hirap ng buhay sa kulungan. Ikalawa, ang malupit na pagtatrato ng kapulisan, o ng hepe partikular sa kwentong ito, sa mga preso. Ikatlo, ang pagmamalupit ng preso sa kapwa preso. Ikaapat, ang mga pagbabagong mangyayari sa iyo dahil sa karanasang ito.

Ipinakita dito ang paraan ng pagkain ng mga preso, ang pasilyo bilang mess hall nila. Hindi rin syempre nakaligtaan ang marumi at nakakasukang kalagayan ng sanitasyon sa loob. Isang palikuran na nag-uumapaw man sa dumi ay kailangan mo pa ring gamitin dahil wala namang ibang pagpipilian. Maliit na selda ng lima katao kahit apat lamang ang tulugan Si Rommel ang nakaduyan dahil siya ang pinakabaguhan.

Pagpasok pa lamang ni Rommel sa kulungan, eksena na si Michael de Mesa bilang sigang hepe. Kitang-kita kung paano ito nagpo-power trip sa mga nasa loob. Isang kontradiksyon sa sarili niya mismo, relihiyosong nagsasambit ng mga kataga sa bibliya ngunit umaastang panginoon din sa loob ng rehas.

Ngunit kung inaakala mong nakahanap ka na ng kakampi sa mga kapwa mo preso, nagkakamali ka. Tulad sa buhay sa labas, iba-iba ang aktitud dito – kapit sa patalim, matira ang matibay, patangay lang sa agos kung di mo kayang sumalungat. Ngunit nagmatigas si Rommel at pinagbayaran niya ito.

At ang pinakamahalaga, ang pagbabagong magaganap sa sarili mo. Sa dami ng karanasang pinagdadaanan ngmga kapwa preso, nabubuo ang ugnayang hindi pinaplano. Hindi naging ligtas dito si Rommel at taglay niya ito hanggang sa makalabas siya. Mahusay ang daloy ng kwento hanggang dito – makatotohanan, sariwa, emosyunal. Maging ang pagganap ng mga artista ay hindi matatawaran.

Dito na medyo gumulo.

Sa kanyang paglabas, nagbuo sila ni Sita ng pamilya at pinili ang tahimik na buhay sa bukirin. Hindi siguro sapat ang pananaliksik ng nagsulat nito tungkol sa buhay ng magsasaka. Tanghali nang gumising si Rommel, mataas na ang araw kung pumunta ng bukid. Pagkakain sa tanghali, matutulog, at pagkagising nama’y uuwi na. Pagdating naman sa bahay, sasakay ng kanyang duyan at matutulog muli habang hinihintay ang tawag sa hapunan. May naging malapit na kapwa preso si Rommel noon, si Esteban, at sa paglaya nito, tinunton ang bahay niya sa probinsya. Doon ito nakitira sa maliit na bahay ng mag-asawa, kung saan, kurtina lamang ang pagitan ng mag-asawa at ng kanilang bisita. Dito na napatotohanan ang hinala ko, may relasyon ang dalawang dating preso ala-Brokeback Mountain. Nagpupunta sila sa bukid at inaabot ng gabi doon. Mayroon silang relasyon na kadalasa’y di na kailangan pang mag-usap para magkaunawaan. Umabot sa puntong hindi na kayang panindigan ni Rommel ang kanilang relasyon dahil naguguluhan siya sa kanilang sitwasyon. Sa kanyang galit na pagtatabas ng damo, aksidenteng tinamaan ang anak na naglalaro sa damuhan.

Sa madaling sabi, naputol ang relasyon ng dalawang lalaki at nanaig ang relasyon ni Rommel at Sita, sa paglisan ng bisita sa mag-asawa at sa problema. Sa tingin ko’y dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na kwento ito. Ang unang bahagi ay maaari na sanang makatindig sa sarili nito. Buhay sa selda, buhay ng preso. Literal na pagbibigay-hugis sa pamagat nitong Selda. Ang ikalawa ay maaari din makatindig sa sarili nito. Maaari sanang nagbigay lang ng maikling kasaysayan sa naging kalikasan ng relasyon ni Sid at ni Emilio, bago tumungo sa kasalukuyang relasyon nila kasama ang asawa ni Rommel. Dito maaaring matalinhagang Selda na ang pinag-ukulan ng kwento.

Bunsod ba ang kwentong ito ng tunay na kamulatan sa mga dinadanas at sikolohiya ng mga bakla? O bunsod lang ba ito ng pagiging uso ng mga pelikula tungkol sa mga bakla?

 Kung ako ang tatanungin, irerekomenda ko pa rin ang pelikulang ito, ngunit laging may kakambal na pasubali. Maganda ang pagkakagawa, mahuhusay ang pagganap ng mga artista at sa esensya, isang kwento pa rin ng paghahanap sa kaligayahan at sa sarili.

1 Puna

Filed under bakanteng oras

Movie Review: Identity Crisis of Baler

Baler is a movie about the fall of the Spanish soldiers occupying the area. It is also a love story between a provincial lass and a Guardia Civil. Set in the province of Baler, Aurora just before Spain surrendered.

It was packaged as a movie about Philippine Revolution, but fails to be such. Baler had an identity crisis and wasn’t sure who the real heroes are of the particular battle.

Technically, the movie has great cinematography except for one scene, Anne Curtis’ was reading a letter from her beau. The editing could’ve been better. The scenes are abruptly cut short and the focus shifted to another back story.

BALER (2008) [PINOY] DVDRiP HardEngSubs [Tagalog] WingTip.avi_003856953

However, the story itself is problematic. It seems to enshrine as heroes the Guardia Civil locked up in the church instead of the Katipuneros who laid the siege. The story, it was told, was based on a Spanish officer’s diary account, so the bias is definietely there.

The movie failed to give something new, it even failed to accurately depict the Katipuneros. They were shown as very emotional people, who have a one-track mind and a proud swagger. Phillip Salvador’s character is so shallow. Of course, Filipinos were outraged by Spanish soldier’s atrocities, but they joined the revolution for perfectly legitimate and justified reasons, not just purely personal ones.

And while the Katipuneros are being shown as stereotypical goons, with long, unkempt hair and wild eyes, the Spanish soldiers are promoted as heroes for lasting a year long siege.

The movie was geared as a love story, sadly, all the movie achieved is be an apologist for the church and spain.

BALER (2008) [PINOY] DVDRiP HardEngSubs [Tagalog] WingTip.avi_001567399

5 mga puna

Filed under bakanteng oras

tanging ina niyong lahat!

Nagbabalik ang paboritong ina ng lahat, si Ina Montecillo. Syempre hindi maihihiwalay sa kanya ang sandosenang anak. pero sa pagkakataong ito, mahigit 80 milyong anak na ang karay-karay niya.

Tulad ng unang pelikula, Ang Tanging Ina, umiikot ang kwento sa pagiging isang ina. Isang ina na namatayan ulit ng asawa at kailangang itaguyod ang sandamakmak na naiwang supling.

Maraming misadventures si Ina bilang isang ina na naghahanap buhay. At dudulo ang lahat ng ito sa pagkapanalo niya bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa isang Snap Elections. SIno nga ba ang mag-aakala na ang isang babaeng may kumpletong tim sa basketbol at balu-baluktot ang sawikain ay magiging isang Ina ng sambayanan.

Kung napatawa tayo nito, medyo may kurot din sa singit ang ilang patsutsada dito. Una, kita ang korapsyon at mga kataksilan sa loob ng gubyerno. madumi talaga ang pulitika. Ikalawa, ang people’s cabinet, hindi nagpakasapat si Ina na panatiling mga burakrata at teknorata ang nasa gabinete. kumuha siya ng mga ordinaryong mamamayan para makatulong sa kanya. representasyon ba? Ikatlo, ipinapakita nito na hindi madali ang magpatakbo ng isang pamilya, manapa’y isang bansa. Hindi madali ang mga desisyon na kailangang gawin, lalo kung sariling kaligayahan o kaligtasan ang nakataya.

at ang nakakatuwa sa lahat ng ito, kahit may ganitong mga seryosong bagay na ipinaloob sa pelikulang ito, nananatiling may puso at katatawanan ang Tanging Ina Niyong Lahat.

1 Puna

Filed under bakanteng oras

Silipin ang SILIP

silip1 Nanood ako ng sine nung isang gabi kasama ang aking kaibigan. Masasabi kong ito ang ultimate movie experience ko dahil solo namin ang sinehan. Para lang kaming nasa bahay at nagchichikahan sa harap ng isang theater screen. panalo! imagine, pwede kang sumigaw, manghula ng susunod na eksena, magkomentaryo hangga’t gusto mo nang walang mags-SSHHHH! sayo na may kasama pang pag-ulan ng popcorn (buti nga kung popcorn lang ang ibato sa yo, noh).

At eto nga ang pinanood namin, Silip, pinagbibidahan nina Polo Ravales, Francine Prieto at Diana Zubiri. SI Joel Lamangan ang direktor at si Raquel Villavicancio ang nagsulat. Mahusay naman ang kabuuang takbo ng kwento. Pero kahit gaano kahusay, syempre may maikokomento at mairereklamo pa rin ang isang hamak na tagapanood na katulad ko.

Eto na po.

ang napansin ko kaagad dito ay ang stereotypical na pagbibihis sa mga babae sa kanayunan. masyadong romantisado (ramanticised) ang kostyum nila. sando at palda. teka, seksing sando pala, yung may lace-lace ha. hindi naman ito totoo dahil maraming trabaho ang mga kababihan sa kanayunan at hindi praktikal ang ganitong get-up.

may mala-hardin ng eden-mode din dito. patakbo-takbo. mga damo. dalawang hubad na katawan. kayo na ang mag-imagine, kaya niyo na yan.

nakakaloka lang ang ahihihi-haha-haha-ahihihi ng mga karakter nina Polo at Francine. gusto ko lang sabihin ha.

may eksena din ng isang partikular na kutsilyo na laging bumabalik-balik. naging palasak na ito, pero layunin siguro iyon ni Mr. Lamangan. Style ba sa buong pelikula. sa ending kasi bagay nga iyon.

Gusto ko ring batiin ang nagsulat si Ms. Villavicencio dahil ito palang yata ang psychological thriller na pinoy na napanood ko. Maganda yung twist (kahit nahuhulaan na namin) na may mental health problem si Diana Zubiri dito. Psychosis. hindi lang makatotohanan ang linyang “Patay ka na. Pinatay na kita sa isip ko.” Hindi naman kasi ganito sa totoong buhay. Kailangan ng matagalang gamutan at therapy para gumaling sa karamdamang ito at hindi “matatapos” sa “pagpatay sa isip” lang. bagamat, mahalagang hakbang iyon sa pagkilala ng pasyente na may sakit nga siya sa pag-iisip.

ang hatol ko, panoorin niyo dahil hindi sayang ang bayad.

2 mga puna

Filed under bakanteng oras, Uncategorized