Achievement Tests:Lokohan lang yata


Nung nakaraang linggo, maagang gumising ang mga pamangkin ko. may test daw kasi sila. Sa isang public school sila nag-aaral, dito sa may Rizal. Dalawang magkasunod na test ang dumating, National at Division Achievement Tests. pag-uwi nila nung hapon maaliwalas naman ang mga mukha nila. Parang walang kaba at takot o stress sa ginawang eksam. Nung nagtipon-tipon kami sa sala pagkakain, doon na lumabas ang kwento. Ibinigay daw sa kanila ang mga sagot. Sa lahat ng subject na kasama sa eksam, idinikta daw ang sagot.

Sa pagkakaalam ko, panukat ang mga Achievement Tests sa mga kakayahan ng estudyante at sa kahusayan din ng eskwela. Dito makikita kung pasado ba sa international standards ang mga estudyante at ang proseso ng pagtuturo sa paaralan base sa magiging ranking nito.

Matanong ko lang, sino ba ang niloloko ng ganitong kopyahan at dictation ng mga sagot? Paano ang mga estudyanteng makakakuha ng perfect score na sa tunay na buhay halos puro palakol ang grado? Paano ang mga magulang na nagpapaaral sa mga public schools dahil “maayos namana ng turo at mataas ang ranking”? Paano ang sambayanan na nagpapakalunod nakikitang mataas ang kalidad ng edukasyon pero hindi pa pala papasa sa ipinangngalandakang “global competitiveness”?

Sa DepED, please lang, wag niyong lokohin ang mga sarili niyo na hindi ito nangyayari.

Advertisements

4 mga puna

Filed under kalorkihan

4 responses to “Achievement Tests:Lokohan lang yata

  1. May impact ang artikulong isinulat mo sa akin. Meron rin akong achievement test noong Grade 6 elementary ako, totoong may diktahan talaga ng sagot. Nag-achievement test kami sa ibang venue (ka-branch ng public school sa Makati). Yung Titser na naghandle sa amin dinikta yung ibang sagot, pero hindi buo, parang hint lang (para hindi kami bumagsak, naawa pa, di ko naman kailangan). At saka, bago kami nag-achievement test, may mga kumalat na, na kodigo, parehas na parehas yung napulot na kodigo dun sa tin-take naming exam. Sadyang kinalat talaga, kabata-bata pa, natututo ng ganun (hindi ako kasama dun ah).

    At ang resulta. Walang result, bale-wala yung achievement test. Hindi ch-check-an yung test result, nawalan raw ng budget dun sa mga teacher na mag-ch-check ng papel namin. Hahaha, sinayang lang pawis ko (naaalala ko pa, pawis na pawis ako nun habang tin-take yung exam, kasabay ng sakit ng tiyan. Umulan pa nga e, pagtapos ng test, parang blessing.).

  2. adaengkantada

    miss iwa, relax ka lang. mukhang hindi para sa iyo ang blog entry na ito kasi alam mo na ang bagay na iyun. magkakaiba ang pagtingin ng mga tao at mayroong hindi nakakakita sa mga nakikita natin.

    ako naman eh nagkukwento lang. ayokong isnubin na lang at palampasin ang mga bagay-bagay (kaya nga ako nagblog para may makarinig ng mga reklamo ko at hindi lang makulong sa apat na sulok ng bahay)

    pero alam ko na ang sasabihin mo, hindi sapat ang puro satsat, mas mahalaga ang pagtugon at pagkilos mo para baguhin ang inirereklamo…

    eksakto!

    cheers!

  3. iwa

    note lang po: bakit meron pa po ba kayong inaasahang maganda mula sa anumang ahensya ng pamahalaan? isa pa: may inaasahan pa po ba kayong mabuti mula sa bulok na sistema ng edukasyon natin? opinyon lang naman po ito. salamat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s