At hihirit pa! (si mikey arroyo sa unang hirit)


Ang sinungaling daw ay kapatid ng magnanakaw. Pero si Mikey Arroyo ay magnanakaw na nga, sinungaling pa. Manang-mana sa kanyang mga magulang.

Aliw na aliw ako sa panonood dito sa video na ito. Natutuwa ako sa pangigigisa na inabot ni Mikey mula kay Igan at lalo na kay Mareng Winnie. Habang tumatagal kasi, nagbabago ang itsura ni Mikey. Sa simula, composed at amiable, bukas sa pakikipagtalakayan. Pero habang hindi niya malusutan ang mga isyu dahil ayaw siyang palusutin ni Mareng Winnie, nagiging peke ang ngiti niya, kasing peke ng nanay niya, at pagtuturo na sa mga abogado niya.

Kawawang mga abogado niya, sila ngayon ang itinuturo ni Mikey na sumagot sa mga discrepancies sa kanyang SALN. Sabagay, trabaho nila iyon.

Nakakasuka ang pagmumukha niya sa pagtatangka niyang ipaliwanag ang mga kababalaghan sa kanyang lumobong kayamanan. Ano daw, as far as I’m concerned, my SALN is self-explanatory. Putcha, kaya nga siya isinalang dun sa show kasi hindi nga maintindihan eh.

Itong pamilya niya, sobra na ang pagnanakaw, pagkagahaman at kasakiman. Hindi lang pala sa mamamahaling hotel at restawran masiba ang mga ito, kundi maging sa mga real estate properties. Samantala, ang mga Pinoy na patuloy nilang hinuhuthutan ng pera at pinahihirapan, lalong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan at kagutuman.

Bago tayo magtapos, iiwan ko sa inyo ang video na ito ang Chicken ala Carte ni Ferdinand Dimadura mula kay arianfilm sa youtube.

Salamat sa video mula kay Pinaswatcher ng youtube.

Advertisements

3 mga puna

Filed under kalorkihan

3 responses to “At hihirit pa! (si mikey arroyo sa unang hirit)

  1. Lyds78

    Sa kaso ni Mickey, ang sinungaling anak ng magnanakaw pero hindi pa rin mahusay magsinungaling, hehe

    kunsabagay, lalabas at lalabas ang totoo, parang utot na kahit anong pigil mo, sisingaw at sisingaw…

    napadaan lang…

  2. Kung ako si Mikee Arroyo, magkukulong na lang ako sa bahay. Hehe. Weird ung argument niya ngayon- he is saying na galing sa contributions and donations ung pinambili niya ng bahay or ng share sa company. WOW.

    • adaengkantada

      nakakatawa siya talaga. ang tanga-tanga niya. siguro mura yung nang mura palabas ng studio.

      nga pala, yung VERA FILES naglabas na ulit ng article na sinasagot yung mga explanations ni Mikey. AS FAR AS I’M CONCERNED, he’s dead meat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s