Balisa


Pagdantay ng likod sa papag na lupa
Dadaluyong ang sanlibo’t isang isipin
Kapalit ng paningin ng mata
Ang pagtalas ng pandama at tainga
Huling pagkakataon na magmasid
At makiramdam sa paligid
Laban sa banta ng biglaang panganib
Mapanlinlang ba ang katahimikan?
May nagtatago bang kakaiba sa kadiliman?
Mabilis na pintig ng puso
Gumagapang na init mula sa mukha
Pababa hanggang sa dulo ng mga daliri
Namamawis na mga kamay
Balisang katinuan sa pagkakahimlay
Kaluskos ng tuyong dahon
Kalam ng sikmurang gutom
Yabag na paroo’t parito
Ugong ng eroplano
Nabaling sanga sa di kalayuan
Pag-ihip ng hanging amihan
Saka ang payapang paghimbing
ng buong kapaligiran
Ngunit tatakbo ang kamay ng orasan
Upang gisingin muli ang nakalimot na isipan

Advertisements

2 mga puna

Filed under kalorkihan

2 responses to “Balisa

  1. adaengkantada

    hmm, ganito naman na ako mula noon….

    daming chika!

  2. Lyds78

    Oist! May kadramahan ang tula mong ito ah!
    Sad kasi wala ako diyan para makibahagi sa mga kalorkihan ng mga tao.
    Ingat lang lagi. Miss ko na kau!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s