We have cast our vote!


Earth Day 09

We have cast our vote!

Nung Sabado, March 28, isang oras kaming nagpatay ng ilaw. Hindi na rin kami nagbukas ng computer at fan. Lumabas na lang kami sa kalsada para mas presko nang kaunti. Sinakripisyo na namin ang weekly dose of Bitoy’s Funniest Videos. Picture-picture din ng anak na pinagbukas namin ng flashlight tutal mahilig siyang maglaro ng flashlight. HIndi rin kami nagsindi ng kandila dahil nabasa kong mas matindi ang pollution nito kaysa isang flourescent lamp.earthday09

Nakakalungkot na konti lang ang nakita namin na nagpatay ng ilaw. naglakad-lakad kami para tingnan kung sinu-sino ang nagpatay ng ilaw. Sa kahabaan ng Tomas Morato, maliwanag na maliwanag pa rin. McDo at Mercury lang yata ang nagpatay. Hindi ko lang sigurado sa bandang dulo dahil hindi na kami umabot dun.

Napansin ko rin na hindi nagpatay ng streetlamps. Hindi siguro kasama ang KYUSI sa nagpledge na magpapatay sila ng ilaw.

Kulang din kasi sa information campaign. Ang nakakaalam lang siguro na mayroon nito ay iyong may internet at nakakapanood ng TV. Pero maski nga sa TV, kahit nag-imbita silang magpatay ng ilaw, buksan naman daw ang TV para panoorin ang show nila. kakaloka!

Pero yun nga, yung kampanya sana. Nag-ikot man lang sana ang mga taga-barangay para ipaalam at ipaalala sa mga tao ang kahalagahan ng Earth Hour. Or nagpatay din sana ng ilang streetlamps.

Advertisements

2 mga puna

Filed under kalorkihan

2 responses to “We have cast our vote!

  1. Yung VOTE EARTH event, required ito sa aming lungsod na ikompanya sa mga Baranggay kaya naman may dumadaang Van with Megaphone sa kalsada namin at ina-anunsyo ang VOTE EARTH event (thrice ko nakitang dumaan iyon bago sumapit ang VOTE EARTH event). OK naman ang resulta.

    Desisyon na po ng mga humahawak sa inyong lungsod kung papairalin nila ang ganitong pag-suporta sa kaaya-ayang event.

    • adaengkantada

      oo nga no. bola na ng LGU ang kampanya. pero yung nga, kulang sila sa information campaign. ganun din yung nabasa ko sa iba, kulang ng impormasyon kaya yung ibang tao, nagtatanong daw kung brownout. nyek!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s