MARSO 29


Tatlong taong singkad nang kayo’y mawala
Tatlong taong singkad mula ng huling pagkikita
Ano na nga ba ang naganap?
Ano na nga ba ang balita?

Ganoon pa rin walang pinag-iba
Ang nakikita ng mata at naririnig ng tenga
Ang iniwan niyong mundo
Ganoon pa rin kagulo

Pang(g)ulo pa rin ang nunal
Sa palasyo nagtatago
Nakikipagkutsabahan
Kay uncle sam na palalo

Bumaba nang kaunti ang krudo
Maski ang kuryente ng Meralco
Pero dyusko,
Marami muna silang reklamo

Bida ulit ang abu sayyaf
Muli silang nangidnap
Di daw sila mga mukhang pera
pero humingi ng P50 milyong panigarilyo daw nila

Si Nicole naman laman din ng balita
Di na daw niya itutuloy ang kasong isinampa
Kawawang babae, puri ay nawala
Biktima rin ng gubyerno nating pabaya

Mainit din ulit ang VFA na nilagdaan
Ang mga debate ay muling nabuksan
Kawastuan nito’y kinuwestiyon
Nakabubuti nga ba sa ating nasyon

Buti’t wala na kayo
Ang lahat ay nagkakagulo
Bumagsak ang ekonomiyang kapitalismo
Dinamay syempre ang buong mundo

Ilang libo nang walang trabaho
Wala kahit duling na piso
Ang sabi ng gubyerno
Magtiis lang kayo at lilipas din ito

Paano maaayos ang gusot na ito
Naglalabasan na ang mga pulitiko
Tigil muna ang kapakanan ng bayan
Eleksyon sa 2010 kailangang paghandaan

Kaya ang kawawang Juan
Tiisin muna ang sikmurang kumakalam
May trabaho naman ang gubyerno para sa inyo
Tagawalis ng kalsada at tagalinis ng estero

Pagtiyagaan muna ang kakarampot na sweldo
Dahil walang malaking maibabayad na inyo
Kailangan munang punuan nang todo
Ang bulsa ng mga kakandidato.

At sa inyong lahat na wala na
Payapa kayong humimlay
Tapos na ang inyong problema
Pero para sa amin
Tuloy pa rin ang pakikibaka

para kay erika salang at sa apat pang kaibigan

Advertisements

1 Puna

Filed under kalorkihan

One response to “MARSO 29

  1. dhyoy

    sakto! wala akong masabi, lahat ng iyong pinahayag ay totoo namang nangyayari… paano nga kaya tayo aasenso, kung puro kurakot ang nakapwesto… ano ba ito, napatula na rin ako… 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s