Muntik na


Naalala niyo pa ba ang balita nung minsan na may nawlang bata sa mall? Iyung may sinamahang isang bata din na nakipagkaibigan sa kanya at kasama niyang lumabas ng arcade. Makalipas ang ilang linggo, nakita uli ang batang nawala sa may Laguna, kung tama ang pagkakatanda ko Ang batang nawawala at nakita sa Laguna ay isa nang gusgusing pulubi na namamalimos sa kalsada.

Nung nakaraang sabado, ,muntk na rin itong mangyari sa amin. Nakaugalian na naming mamasyal sa The Children’s Library sa Robinson’s Place Novaliches para sa exposure ng bata sa mga libro at hindi lang puro laro sa computer. Dito muntik nang mawala ang 4 yr old na anak namin.

Sampung minuto bago mag-alas-dos, nag-announce ng library na magsasara una ito dahil may party na ihohost. Nag-angat ako ng mukha mula sa librong binabasa ko at nakita ko ang anak na nasa computer area at may katabing bata. Nagligpit kami ng mga libro, at pagtingin ko uli, wala na ang anak ko!

Hinahap ng asawa ko sa labas at mabuting nakita niya ito pabalik sa library. Syempre napagsabihan namin ang bata, kaya siguro hindi masyado nagkwento kung ano ang sinabi sa kanya nung kaalaro niya. Sinundan namin yung bata pero hindi na namin siya nahabol.

Hindi ko sana ito pag-iisipan nang masama pero malakas ang kutob ng asawa ko na sindikato iyon, tulad nung napabalita na minsan sa tv. Kahapon, nung inusisa namin ulit yung anak namin, mas maluwag na siyang nagkwento.

Sample dialogue na lang.
Nanay: Anong sinabi sayo nung kalaro mo, bakit lumabas kayo?
anak: Sabi niya, baba daw kami tapos nagsabi na daw siya sa inyo.

Nung nalaman ko ito, wala nang duda sa isip ko na sindikato ito. Bakit sasabihin ng bata na ipinagpaalam na niya ang kalaro niya sa magulang nito para lang makalabas sila at sumama ito sa kanya?

Dalawang beses din lumabas yung anak kpo, una lumabas siya hanggang sa railing lang, sumilip sa baba at nagsabing ayaw niyang bumaba, tapos bumalik siya sa loob. Nung ikalawa, nung nakita siya ng asawa ko na pabalik na nakaabot na daw sila ng elevator at pababa na, pero umalis ulit yung anak ko at babalik na nga sa library.

Balak ko ngayong sumulat sa TCL at ipagbigay alam ito. siguro nama’y meron silang CCTV at baka sakaling nakuhanan ang bata.

kung sa bata naman, nirereview namin ulit ang mga dapat niyang gawin kung sakaling may kumuha sa kanya o pumilit sa kanya na sumama sa mga taong hindi niya kilala, bata o matanda.

Paalala lang ito sa mga magulang, gayundin sa mga establishments.

Advertisements

3 mga puna

Filed under kananayan

3 responses to “Muntik na

  1. adaengkantada

    yes, please. pakipasa ang balitang ito. hindi na ito bago, pero nahihirapan kasi akong halungkatin sa youtube kung naiupload doon yung news tungkol dito last year (yata).

    para sa update, sumulat na ako sa TCL-Novaliches at naghihintay ako ngayon ng sagot nila.

  2. O_O

    Oh my! Alarma ‘to.

    Salamat sa entry na ito, ipapamalita ko ang pangyayaring ito. Ngayon lang ako naka-alam ng ganitong modus operandi, at bata pa ang ginagamit ng sindikato para manekwat ng iba pang bata.

    Nakakatakot na talaga ang mundo ngayon.

  3. dhyoy

    tsk tsk tsk… talamak na talaga ang mga sindikati na yan…

    lalo ngayon krisis… ibayong pag-iingat ang kailangan..

    (napadaan lang)

    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s