Swerte, Lotto at ang Gubyerno


smileyworking
Hindi ko iniisip na isa ako sa mga taong naniniwala sa swerte. Hindi ako naniniwala sa mga pagsusugal, lalo sa hweteng, ending at kung anu-ano na kailangang “mag-alaga” ng numero para manalo ito. Hindi rin ako naniniwala sa paglulustay ng pera para tumaya sa mga ganitong laro sa halip na gastusin ito para sa pagkain. Mas naniniwala ako sa halaga ng pagsisikap at pagpupunyagi para makaungos at umunlad.lotto
Pero kapag pumapalo ng 100M ang jackpot sa Lotto, nagbabago ang lahat. Para bang gusto ko nang maniwala sa swerte dahil napakalaking bagay na ng 100 Milyon. Sa katunayan, nang umabot ng mahigit 300 Milyon ang jackpot ng lotto, tumaya na rin ako kahit isang box lang. Iyon ang pananalig sa swerte. Biruin mo, sa ilang libong tumataya sa lotto gamit ang ilang kumbinasyon ng mga numero, isusugal ko ang P20 at kahihiyan ko para sa napakaliit na tsansa na makuha ng isang set ng anim na numerong pinili ko ang tumataginting na 300 milyon?
Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko noon.
Sa mga bibilhin ko at balato, susunggaban ko ang pagkakataon ngayon na may krisis at nagbababa ng mga interes at presyo para bumili ng mga bahay. Kahit ang 10 milyon sa magulang ko, 10 milyon sa byenan ko at tig-5 milyon sa mga kapatid at hipag/bayaw ko, ayos na yun. Sa mga tiyahin at tiyuhin ko naman na tumutulong sa amin, ok na rin ang tig-2 milyon. At mga isang milyon, na pakain-kain, one-time librehan para sa iba pa.
Kung sa bahay namin, bibili lang ako ng lupa at ako na ang magpapatayo mismo ng bahay, para magkaroon ng trabaho ang mga karpintero at iba pa. Ang gusto ko, bahay sa bandang Marikina, yung tipong maunlad naman at medyo sariwa pa ang hangin pero hindi kalayuan sa syudad. Gusto ko ring bumili ng bahay sa probinsya mismo. Pero hindi ko pa napag-iisipan kung saan. Ang tipo kong bahay katulad nung isang napuntahan namin, maliit lang, dalawang kwarto pero maaliwalas at presko. Gayundin, gusto ko yung bahay na tulad nung nabasa ko minsan, energy-efficient.
Isa din sa mga iniisip kong investment ay isang branch ng Jollibee. Okay na siguro ang isa, pero kung kaya, dalawang branch na ang ipupundar ko.
Pagkatapos nito, wala na akong maisip pang gastusin. Pero parang hindi pa ubos ang pera kong 300 milyon…. ang daming pera pala nito. Ni hindi ko na maimagine ang mga bibilhin ko pa.
Isipin na lang din natin ang mga halaga na nasangkot sa mga scam ano?! Milyun-milyon, bilyun-bilyon! Maloloka ako sa pagkwenta nun at pag-iisip ng pagkakagastusan, kung ang pamilya at sarili ko lang ang iisipin ko. Pero kung para sa mahigit 80 milyong Pilipino, parang kulang pa ito para makatayo sila sa sariling paa at maalagaang mabuti ng gubyerno.
Sa krisis ngayon na dinadanas ng buong daigdig, na syempre’y apektado rin tayo, higit na marami ang mananalig sa tukso ng mabilis na pag-angat ng kabuhayan, ang pagtaya sa lotto. Ang sabi ng Ibong Foundation, ito ang dapat gawin ng gubyerno para makatulong sa mga Pilipino:
1. Providing immediate emergency food, income and work relief.
2. Increasing public spending on health care, basic education and housing for the people and restoring real per capita social services spending to at least 1997 levels.
3. Increasing public spending on labor-intensive and rural infrastructure projects that will directly improve people’s livelihoods.
4. Public resources can be freed by:
• Suspending debt payments. This can begin with, but not be restricted to, debt to foreign creditors receiving bail-outs from their governments.
• Drastically reducing military spending.
• Cracking down on corruption. This is especially critical to prevent leakages into politicians’ electoral war chests for 2010.
5. Giving priority to Filipino producers in government procurement and aid-funded projects.
6. Implementing a P125 across the board nationwide wage hike and a PhP3,000 increase in government salaries.
7. Removing the VAT on oil products and increasing taxation of wealth, luxury goods and services, and on unproductive assets and transactions.
8. Reducing interest rates while ensuring that credit remains available.
Nakikita ko ang dunong sa mga panawagang ito. Kung hindi magagawa ng gubyerno ang ilan sa mga panawagan dito, siguradong ang lalong hahaba ang pila sa Lotto, lalaki ang jackpot (na balita ko’y dinaya daw nitong nakaraan na 300 + milyon ang jackpot!). Isipin na lang ang 4.1 milyon na walang trabaho at ang 6.8 milyon na kulang ang sweldo noong 2007, paano pa ngayong taon? Aabot yata ng 11 milyon ang walang trabaho.
Sa 24 Oras, laging gudnews ang pagbabalik ng mga taxi driver (ibig sabihin: ordinaryo, mahirap na mamamayan) sa mga napupulot na pera o gamit, kasi hindi na ito inaasahan pa na ibabalik ng nakapulot nito, lalo kung baon sa utang at pangangailangan pinansyal. Sa tingin ko, ang dapat nilang ibalita bilang gudnews ay ang pagbabalik ng milyun-milyong hinuthot at minaniobra nina GMA at ng mga alipores at scapegoats nito sa kabangyaman ng Pilipinas
Kung ganoon, hindi na kailangan pang umasa swerte at tumaya sa lotto para lang mabuhayan ng pag-asa ang karaniwang Pinoy.

Advertisements

8 mga puna

Filed under kalorkihan

8 responses to “Swerte, Lotto at ang Gubyerno

  1. Zee

    Lagi ako tumataya s lotto khit alam ko n maliit lng un chance manalo ako pero s pagtaya ko ng lotto marami ako ntutulungan n ms nangangailangan katulad ng nangailangan kmi dti pra s anak ko..

  2. tc

    tumataya ako ng lotto pero di madalas minsan lang pag gusto ko tumaya kc di nman agad mnalo ng lotto hirap manalo talaga sa lotto minsan din ang sugal di mo din alam kung totoo o hindi kc mass marami ang talo kesa nanalo..

  3. Di-Nagpakilala

    sa lotto may pag asa ang bawat tao.

  4. good moning sir pwde bamangyo swertes patad ko moring please…..

  5. hindi ako tumaya ng lotto …dahil ang labo na manalo ako sa lotto ..ngunit kung bibigyan ku ninyo ng pang pa swerte baka manalo pa ako …ang gubyernio parang amaw..haha

  6. isang beses pa lang akong tumaya sa lotto, tapos nun suko na ko. hehehe

    yung gubyerno mo parang guyabano haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s