Banal na Aso


Title: Banal Na Aso, Santong Kabayo
Album:
Artist: Yano

Banal Na Aso Santong Kabayo – Yano
Kaharap ko sa dyip ang isang ale
Nagrorosaryo mata niya’y nakapikit
Pumara sa may kumbento
Sa babaan lang po sabi ng tsuper kase me naghuhuli
Mura pa rin nang mura ang ale

Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako hihihihi
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako hihihihi
Sa ‘yo

Nangangaral sa kalye ang isang lalake
Hiningan ng pera ng batang pulubi
Pasensya na para daw sa templo
Pangkain lang po sabi ng paslit
Talagang di ba pupwede?
Lumipat ng pwesto ang lalake

Anuman ang iyong ginagawa sa iyong kapatid
Ay siya ring ginagawa mo sa akin

Naalala ko kagabi ang kantang ito. highschool ako nang nauso ito, kasabay ng mga eraserheads at introvoys. feeling ko nun, cool na cool ang kanta kasi hindi ito openly popular dahil catholic school kami. pero kahit pa lumaki akong katoliko, nagsisimba tuwing unang byernes ng buwan at nangungumunyon kada linggo, parang tumpak na tumpak ang mga lyrics nito.

siguro, ito ang panahong nagsimulan akong maging mapanuri sa relihiyon ko. bakit nga ba kasi kalakhan ng mga kilala kong masusungit ay mga madre ng simbahan? at naninigaw at nangmumura ng mga apo nyang lola ay relihiyosa?

nung nasa kolehiyo na ako, marami akong aktibidad na sinaluhan. yung iba dahil sa pilit ng guro, yung iba sa pilit ng barkada at yung iba dahil sa sarili ko nang kagustuhan. pero ang lahat ng iyon, nagturo sa akin ng iba’t ibang bagay. dumating sa puntong, kapag nasa simbahan at nagsesermon ang pari, gusto kong magtaas ng kamay at magsabing “I object, your Honor!” tumigil ako sa pagsisimba dahil feeling ko lalo akong nagiging makasalanan sa pagkwestyon sa mga itinuturo ng pari. tumigil ako sa pagsisimba dahil naguguluhan at nabubwisit ako, tama naman pala ang pinaggagawa ko kung papakinggan ang mga “salita ni diyos” pero ang sama pa rin ng dating ko sa ibang tao. siguro, hindi sila nakikinig at lumalabas lang sa kabilang tenga ang mga pinagsesermon sa pulpito/altar, kaya hindi nila nakikilala ang mga “salita ng diyos” in action.

ngayon, hindi pa rin ako nagsisimba at ang anak namin ay hindi namin pinapalaki na laging nagdadasal o kung ano pa man. itinuturo namin ang mabubuting asal pero bahala siyang magdesisyon kung ano ang gusto niyang relihiyon. pero hindi din naman namin ipinagbabawal kung gusto siyang isama ng mga lolo’t lola niya sa pagsisimba, basta’t ang sa amin, wlang pilitan.

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under kalorkihan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s