PEACE and ORDER, Pleeeaaase!


220px-the_scream
PEACE and ORDER, please
Gustung-gusto ko ang commercial na ito ng Lucky Me Pansit Canton. Naging bukambibig ko na tuloy ang Peace and order (sa halip ng peace and quiet). Para sa mga hindi makagets, subukan nyong hanapin ang commercial na iyon para makarelate kayo.
Ako ang taong madaldal pero ayaw sa masyadong ingay. Hindi ako lumaking nagpapatutog ng mga rakrakan na mga kanta. Ang totoo, pang-lola daw ang choice ko ng mga kanta. Ang sabi ko naman, ayoko lang ng maingay at diverse ang taste ko sa music.
Napapalayo na ako.
Ang gusto ko, yung maingay pero masaya. Tipong chikahan ng magkakaibigan. Kulitan ng isang pamilya.
Hindi ko kasi marinig ang sarili ko kapag masyadong maingay. Kaya nga ang sound trip ko, hindi rin ganoon kalakas ang mga tunog dahil hindi ko naman maiintindihan ang kanta kung nabibingi na ako, di ba?! Para bang inversely proportional ang lakas ng ingay sa kakayahan kong mag-isip. Habang lumalakas ang ingay, tumitirik ang utak ko.
Tuwing weekend (bakit ba kasi walang tagalog ng weekend, maliban sa Sabado’t Linggo na ang hirap isulat at sabihin dahil mahaba) ito ang iskedyul kong magrecharge. Sa totoo lang hindi ko kayang hindi lumabas minsan isang linggo. Para bang, gusto ko ng panahon para sa sarili ko. Pero syempre, hindi rin ito istriktong natutupad dahil kasama ko naman ang pamilya ko kaya family outing ito lagi. Okay na rin ako sa ganoon dahil ….. hindi ko na ikukuwento ang itsura at environment na pinagmumulan ng ganitong masidhing pagnanasa na umalis at maglakwatsa dahil baka may matamaan. Tabi-tabi po.

Advertisements

1 Puna

Filed under kalorkihan

One response to “PEACE and ORDER, Pleeeaaase!

  1. “Weekend”?

    Uu nga noh . . . ngayon ko lang na-realize, wala pala talagang tagalog yung salitang “weekend”.

    O_O

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s