Paalam, FrancisM


Wala na talaga si FrancisM. Siguro sa maraming tao, lalo sa kanyang pamilya, ngayon ang simula ng mas mahirap na panahon. Ngayong nai-cremate na siya at mag-uuwian na ang lahat, babalik na sa kanya-kanyang bahay at buhay, higit na mararamdaman ang kawalan ni FrancisM. Kahit pa sabihin ng lahat na handa naman sila sa pagkamatay niya dahil ilang buwan na siyang may matinding sakit, hindi pa rin lubos na maaalis nito ang pangungulila.
Nakakalungkot man ang kanyang pagpanaw, higit na nakakalungkot na ngayon lamang natatanto ng mga tao ang lahat ng kanyang kinakatawan. Bakit ba ang hilig magbigay ng posthumous award dito sa atin? Kung kailan patay na ang kabayo, saka bibigyan ng damong ipapakain. Ang haba rin ang pila sa kanyang tindahan ng mga t-shirt. Hindi maiiwasan na dumagsa ang tao dito dahil tumampok ang personalidad ni FrancisM sa kanyang pagpanaw. Nakakalungkot na kailangan pa niyang mamatay para mabuhay sa puso ng masa ang diwa ng nasyunalismo na matagal na niyang ibinabandera sa kanyang mga kanta.
Pero hindi panahon ng pagsisisihan ito. Nananatili lang tapat si FrancisM sa kanyang pagkatao, kahit hanggang ngayon na nasa kabilang mundo na siya. Patuloy niyang sinusuportahan at itinataguyod ang tunog ng Pinoy at ang pagiging Pinoy.
Ayokong sabihing “Mabuhay ka, FrancisM!” dahil napakahindi nababagay niyon sa isang patay. Sa halip babatiin ko siya ng “Maligayang Paglalakbay, FrancisM!”
three stars and a sun

Advertisements

2 mga puna

Filed under kalorkihan

2 responses to “Paalam, FrancisM

  1. wwwwwwwwwwwwwweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

    llllllooooooooooooooovvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvee

    yyyyyyyyyyyyyyoooooooouuuuuuuuuuu!!!!!!!!!!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s