edsa


Maliit pa ako nang nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam ang puno’t dulo ng lahat. Ang alam ko lang wa;ang pasoka ng magulang ko, nakabukas ang telebisyon at maghapon kong naririnig ang paglipad ng helikopter. Isinusulat pala ang kasaysayan noong mga panahong iyon.

Nung malaki na ako at marunong nang mag-isip para sa sarili ko hindi pinalanpas ang EDSA Dos. Sumama ako, nakiaral, nakimartsa, nakiisa. Ang sarap palang maging bahagi ng kasaysayan.

Ang sabi ng mga tao, bagamat parehong People Power ang dalawang EDSA, may malaking pagkakaiba ang dalawang ito. Ang una daw, isang pag-aaklas militar na sinuportahan ng mamamayan. Ang ikalawa, pag-aaklas ng mamamayan na sinuportahan ng militar.

Dalawang obserbasyon. Una, natuto ang mamamayan at naniwala sa kanilang pampulitikang lakas. Kung noong orig na EDSA, pangalawa lang ang madlang pipol sa eksena dahil kung maaalala natin, pumutok ang isyu sa pag-aalsa ng kampo nina Enrile at Ramos. Samantala sa Edsa Dos, sumambulat ito bilang protesta ng mamamayan sa panghaharang sa ebidensya sa pagdinig ng impeachment case ni Erap. Nauna sa eksena ang masa. Scoop! Exclusive! Ikalawa, mukhang natuto din ang mga sumunod na pangulo. Noong 1986 EDSA, hindi yata naaambunan ng grasya ni Macoy ang mga heneral kaya hindi sila close. Pansinin naman natin ang 2001 EDSA, bumaliktad lang ang militar nung nakapusisyon na ang lahat ng sektor ng lipunan at nagiging balintuna na ang pagiging “protector of the people” nila dahil nasa panig pa rin sila ng pangulong isinusuka ng masa.

                Dalawampu’t tatlong taon makalipas ang 1986 EDSA, nananatiling inspirasyon ito ng mamamayan. Nananatiling makapangyarihan ang People Power. Dalawampu’t tatlong taon makalipas ang pagpapatalsik sa mabangis na diktador, nasa kamay pa rin ng mamamayan ang tunay na lakas at kapangyarihan para sa mapagpasyang pagbabago. Kaya nga nagkaroon pa ng EDSA Dos, isang popular na pagkilos ng mamamayan para patalsikin si Erap (pero hindi iluklok sa partikular si Madam, nagkataon lang na siya ang consitutional successor).

At iyon ang kinatatakutan ni Madam Jetsetter at ng lahat ng nakakapit at nagtatago sa kanyang saya, ang tibay at lakas na nagmumula sa masa, kaya hindi na raw dapat magkaroon ng isa pang EDSA. Hindi na raw ito matatanggap ng buong mundo mula sa isang bansang “politically mature”. Napaka-politically mature kasi ng Pilipinas kaya hindi uso ang suhulan at mga under-the-table . Napaka-politically mature kasi ng Pilipinas kaya kaliwa’t kanang political killings. Nakapaka-politically mature kasi ng Pilipinas kaya trabaho nagkalat ang mga body of evidence ng summary execution. Napakapolitically mature kasi ng Pilipinas kaya sunud-sunod ang “scandals” na may kaeska-eskandalong mga halaga.

 Oo nga naman, hindi na kailangan ng Pilipinas ang isa nanamang “peaceful revolution” (a paradox in itself!). Makapal kasi masyado ang mukha ni Madam at napakarami niyang alagang heneral . Halatang –halata nitong nakaraang paggunita ng EDSA ang bias niya sa military component ng EDSA Uprising. Kaya hindi na uubra nang basta-basta ang People Power ala EDSA. Kailangan ng bagong ingredient, bagong elemento. Yung nakakagising, mahirap tanggihan at may sipa (samahan na rin natin ng suntok at sabunot).  Email niyo lang ako kung kailangan niyo ng willing participant at dagdag na history writer.

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under kalorkihan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s