tanging ina niyong lahat!


Nagbabalik ang paboritong ina ng lahat, si Ina Montecillo. Syempre hindi maihihiwalay sa kanya ang sandosenang anak. pero sa pagkakataong ito, mahigit 80 milyong anak na ang karay-karay niya.

Tulad ng unang pelikula, Ang Tanging Ina, umiikot ang kwento sa pagiging isang ina. Isang ina na namatayan ulit ng asawa at kailangang itaguyod ang sandamakmak na naiwang supling.

Maraming misadventures si Ina bilang isang ina na naghahanap buhay. At dudulo ang lahat ng ito sa pagkapanalo niya bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa isang Snap Elections. SIno nga ba ang mag-aakala na ang isang babaeng may kumpletong tim sa basketbol at balu-baluktot ang sawikain ay magiging isang Ina ng sambayanan.

Kung napatawa tayo nito, medyo may kurot din sa singit ang ilang patsutsada dito. Una, kita ang korapsyon at mga kataksilan sa loob ng gubyerno. madumi talaga ang pulitika. Ikalawa, ang people’s cabinet, hindi nagpakasapat si Ina na panatiling mga burakrata at teknorata ang nasa gabinete. kumuha siya ng mga ordinaryong mamamayan para makatulong sa kanya. representasyon ba? Ikatlo, ipinapakita nito na hindi madali ang magpatakbo ng isang pamilya, manapa’y isang bansa. Hindi madali ang mga desisyon na kailangang gawin, lalo kung sariling kaligayahan o kaligtasan ang nakataya.

at ang nakakatuwa sa lahat ng ito, kahit may ganitong mga seryosong bagay na ipinaloob sa pelikulang ito, nananatiling may puso at katatawanan ang Tanging Ina Niyong Lahat.

Advertisements

1 Puna

Filed under bakanteng oras

One response to “tanging ina niyong lahat!

  1. Cinthia

    galing talaga ng pinoy!pero sana Ms jessica makapunta ka dito sa amin,para matikman nyu naman,ang aming pancit TOMBOY….jejejeje ..xxx…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s