The Bean Trees


 Una kong narinig ang pangalan ni Barbara Kingsolver sa isang lesbyanang kaibigan na nagpapahanap ng ebook ng The Poisonwood Bible. May mabuti at masamang balita. Ang masama muna, wala akong mahanap sa bittorrent na uploaded ebook ni Barbara Kingsolver. Wala ni isa. Ang mabuting balita, nakahanap ako ng paperback, hindi nga lang The Poisonwood Bible  kundi The Bean Trees. Nung una hindi ako sigurado kung siya ang pinapahanap sa aking manunulat. Natandaan ko lang kasi yung King- na bahagi ng pangalan niya. Naalala ko tuloy ang biruan naming nung kaibigan kung tiborsya dahil hindi din niya agad matandaan ang pangalan niya. Naexperiment na naming ang mga pangalan na may Barbara at King–, mula kay Barbara Walters hanggang Barbara King-fisher.  Eniweis, nagpapatay ako ng oras sa mall nung nakakita ako ng CLEARANCE SALE   sa isang segunda-manong tindahan ng mga libro. Syempre, halukay-ube ang byuti ko. Dalawang libro ang nabili ko pero isa lang muna ang  ikukwento ko. O, ayun nga,  nakahanap ako ng libro ni Barbara Kingsolver! At sa halagang sampung piso lang!

Nagustuhan ko din ang istilo niya ng pagkukwento kahit mejo nahirapan ako sa lenggwaheng western, hindi dahil hindi ako marunong mag-Ingles kundi dahil ang west na ito ay lenggwahe sa Arizona, Oklahoma, etc. Hindi ako pamilyar sa mga expresyon dito at kung anu-ano pa. Pero, maliban dito, ayos naman. Mahusay ang istilo ng pagsusulat ni Bb. Kingsolver. Magaan ang paraan ng pagkukwento,buhay na buhay ang mga karakter at  malinaw mong makikita, o mararamdaman, ang mga bagay na inilalarawan niya. Pawang tanda ng isang magaling na manunulat.

Isang mahusay na aspeto rin ng librong ito ay ang tampok na mga usapin. Maliwanag ang pagpahapyaw sa usapin ng diskrminasyon sa lahi kahit sa loob ng Estados Unidos mismo. Bagamat hindi buong-buong tinalakay ang mga seryosong bagay na ito at nagsilbi lamang sa pagbibigay ng dugo at laman sa mga karakter, hindi maikakaila na mulat sa karahirapan ng buhay at may kaalaman sa sosyo-pulitikong mga usapin si Ms. Kingfisher.

Pero higit sa lahat, ang libro ni Ms. Kingsolver, ang The Bean Trees, ay isang kwento tungkol sa mga prinsipyo sa buhay, pagkakaibigan, at pagiging isang babae. Halos lahat ng karakter sa librong ito ay mga babae, at maliliit na bahagi lamang ang napunta sa kalalakihan. Mga babae na iba’t iba ang kwento at karanasan. Mga babaeng sari-sari ang problema at paraan ng pagharap dito. Ngunit sa kabuuan, mga babae na napagtagumpayan at sinisikap pagtagumpayan ang mga hirap ng buhay nang hindi lubusang sumasandig sa mga kalalakihan.bean

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under bakanteng oras

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s